Kean's POV
Tama lang siguro na Magcool off muna kami ni Krissa para malaman niya kung sino talaga ang mas mahal niya sa aming dalawa. Para kasing hindi siya sure eh. Paano kung si Kristoffer ang piliin niya ok lang ba sa akin? Wala naman akong magagawa kung hindi ako piliin niya dahil mahal ko siya tatanggapin ko kung anuman ang kanyang maging desisyon. Nang sabihin niyang Mahal niya ako naniniwala naman ako doon kaso gusto kong mapatunayan niya iyon sa sarili niya.
NO COMMUNICATIONS AT WALANG PANSINAN ganyan kami maski nasa school syempre sa pamamagitan niyan malalaman niya na mahal niya ako at hindi niya kakayanin kung wala ako. In that way mas malalaman niya kung sino nga ba sa aming dalawa ang mas deserving sa pagmamahal niya. Mahirap yun para kaming mga may sakit na iniiwasan ang isa't isa. Namimiss ko na siya yung mga lambing, yakap, pangungulit sa akin ay hinahanap ko, gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit yung tila wala ng bukas.
Mahirap man ang sitwasyon namin pero kaya ko itong tiisin alang-alang sa aming pagmamahalan. Tuwing gabi bago matulog siya ang nasa isip ko. One time nga biglang pumasok yung kapatid ko sa room ko at nahuli akong nakangiti, tapos ang sabi niya "uy si kuya, dreaming someone with a smile pa ah, haha!" Natawa talaga ako dun sa kapatid ko. Pero ang naiisip ko nun ay kung paano kami nagkakilala.
Bukas ay FOUNDATION DAY namin. Boring nga eh hindi masaya. Pumili ng mga kakanta yung teacher namin at napili ako. Laking gulat ko, matagal na rin akong hindi kumakanta sa harap ng mga tao tapos pakakantahin ako. Well, sanay naman ako kumanta kaso Acoustic lang. Nung elementary ako kumakanta pa ako sa harap ng maraming tao pero ngayon hindi na dahil nahihiya ako hehehe. Joke! Ang huling kanta ko ay yung duet namin ni Krissa na Destiny. Ang saya namin nung araw na iyon.
Alam niyo bang ako ang ACOUSTIC PRINCE sa bayan namin? Haha, sumali kasi ako minsan sa singing contest sa Fiesta sa aming lugar at dun ko nakuha ang title na ACOUSTIC PRINCE magaling daw kasi ako eh haha. NOTE: Dati pa yun haha. Ang kakantahin ko bukas ay WITH A SMILE at idededicate ko ito sa kanya kaya manood kayo ah hehe. Sana naman nakapag-isip na siya kung sino nga ba ang pipiliin niya. At tama siya na AKO PA RIN ANG MAHAL NIYA.
Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Paniguradong maraming magugulat at kikiligin dahil sa ganda ng boses ko. Mapanood niya sana akong kumanta. Kakanta na ako ngayon and it's my turn.
Pagpasok ko ay nagsigawan at palakpakan na ang lahat, todo support talaga sila sa akin. Good Morning Everyone! This song is dedicated to my special someone. Sana kung naririto ka man ito ang kantang gustong iparating sayo ng aking puso. I LOVE YOU, KRISSA BERMUDEZ!
Pakiplay po yung song sa gilid entitled WITH A SMILE BY ERASERHEADS sana magustuhan niyo.
------------------------------>
"Lift your head, Baby don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You cant win at everything but you can try"
Habang kumakanta ako at iniistrum yung gitara ko ay nagsisitilian at naghihiyawan ang mga babae. Natutuwa naman ako dahil naaappreciate nila yung kanta ko. Gusto ko sana siyang makita habang kinakanta ko ito pero hindi ko siya mahanap pero umaasa pa rin ako na makita siya.
"And baby you don't have to worry cause there no aint no need to hurry
No one ever that there's no easy way"
Then, habang kumakanta ako ay nahagip siya ng aking peripheral vision. Nandun siya sa may gilid. Masaya na ako dahil alam kong sinoportahan niya ako sa event na ito ang pagkanta sa harap ng maraming tao. Tanging siya lang ang tinitingnan ko para less kaba. Ang iniisip ko lang ay siya at wala ng iba pa.
Pagkatapos kong kumanta ay hinanap ko siya sa kanyang pwesto kanina ngunit wala na siya. Tatanungin ko na sana siya kaso mukhang hindi pa siya handa. Kaya namasyal muna ako at naglibot-libot.
Krissa's POV
Nagulat ako ng makita kong umakyat ng stage si Kean. Then, dinedicate niya pa sa akin yung song. Sa kanyang pagkanta ay nalinawan na ang aking utak kung sino nga ba sa kanilang dalawa ang mas mahal ko.
( matagal ka ng nalinawan, hindi mo lang masabi dahil hindi nga kayo nagpapansinan diba? )
Oo na! Kokontra pa eh haha.
Kaya dali-dali akong umalis pagkatapos niyang magperform at pinuntahan si Kristoffer sa kanila.
*************
A/N :
ano kaya gagawin ni Krissa kila Kristoffer? Sasabihin niya na ba rito na layuan na siya dahil nagseselos yung boyfriend niya? Ano guess niyo?
Abangan ...
Comment and Vote po kayo!
Sa bawat pagkakataon, huwag nating kalimutang ngumite kahit na may problema tayo. Always wear a smile. Huwag tayong padadaig sa lungkot mas magandang tingnan kung tayo'y laging masaya. Sabi nga ni RYZZA MAE DIZON "Bawal ang sad dapat happy!" :)
risingservant :)
BINABASA MO ANG
Plug In II (A Musical Story)
Teen FictionA MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's finding but she has a good heart. Siya 'yung taong mapagpakumbaba, matulungin, mabait, simple and no...