Mayroon na naman po tayong new character eto siya at kilalanin.
Charlene's POV
Hello sa inyong lahat! Ako nga pala si Charlene Villaroza, 2nd year College na rin at hindi ako nag-aaral sa school nila. May sasabihin ako senyo secret lang ah, matagal na kasi akong may gusto kay Kristoffer Tyler kaso parang hindi naman ako nag-eexist para sa kanya. Hindi man lang niya ako kinikibo kapag gumagawa ako ng kalokohan para lang maka-usap siya. Magkaschoolmate kami, sana nga someday ay mapansin niya rin ako.
Music Lover din ako. Kumakanta rin kaso mga R&B kadalasan dahil may pakulot-kulot yung boses ko. They say that I'm the R&B princess here in school tanong ko naman kung sino yung R&B prince ay hindi sila sumasagot.
Papasok na ako ng University namin ngayon ng maisipan kong makinig ng music kaya headset plug in!
Pakiplay po yung song sa gilid entitled KUNG AKO BA SIYA BY KHALIL RAMOS pero ang original po ay si Piolo Pascual enjoy reading!
------------------------->
Medyo nalungkot ako nung tumugtog yung song dahil nakakarelate ako eh naalala ko tuloy yung mga pinaggagagawa ko para lang mapansin niya kaso wala eh hindi effective deadma lang ako sa kanya kaya ngayon parang nawalan na ako ng pag-asa sa kanya. Pagod na rin akong mag-effort para mapansin niya kaya ngayon pinagmamasdan ko na lang mula sa malayo.
★flashback★
Papasok ako ng library ng makita ko siyang nagsasign sa log book kaya naman nagmadali akong pumunta sa S.A. para ibigay yung gamit ko at ako ang makahawak ng ballpen na ginamit niya. Ang gwapo niya talaga lalo na kung malapitan.
Kinuha ko yung ballpen na ginamit niya at inilagay ko sa bag ko at pinalitan iyon ng iba. Kabaliwan na ba yung ginagawa ko? Haha! Mind your own business.
Nung maghahanap ako ng mauupuan ay nakita kong halos puno, ang vacant seat na lang ay yung table na inuupuan ngayon ni Kristoffer kaya agad akong lumapit doon para magtanong kung pwedeng makiupo.
"Excuse me, may nakaupo ba dito? Pwede ba akong makishare?" Tanong ko with a pacute na boses.
"----" deadma.
Aba, hindi man lang ako pinansin. Busy na busy yata siya kaya naman umupo na ako wala naman siyang sinabi na bawal diba? Pagkaupo ko ay inilabas ko yung libro ko at nagsimulang magreview dahil may exam kami mamaya. BS MATH major in BUSINESS APPLICATION yung course ko kung hindi niyo alam.
Hindi ako makapagconcentrate sa pag-aaral dahil nandito siya sa harapan ko para bang gusto ko na siyang yakapin. Pero hindi pwede baka akalain niya desperada ako masyado. Kaya hanggang sa maubos yung oras ko sa katititig sa kanya. Kaya wala akong nareview buti na lang at mayroon akong stock knowledge kaya nakapasa pa rin ako haha.
Tapos may time na naglalakad siya sa hallway at may kausap sa may phone kaya naisipan kong tapunan siya ng iniinom kong Iced Tea baka kasi pansinin na niya ako eh. Kaya nung nagkabungguan kami ay tinapunan ko siya nung iniinom ko.
"Ay sorry po." Sabi ko sabay labas ng panyo at pinunasan yung damit niyang natapunan.
"It's ok miss." Sabi niya tapos umalis na naglakad na palayo.
Aba, deadma na naman ako hindi man lang nagalit sa akin o kung ano pa. Kakaiba talaga siya.
Nung teachers day ay binigyan ko siya ng isang box ng cookies na ginawa ko kaso hindi niya tinanggap dahil hindi daw siya mahilig sa matamis.
Sa tuwing nakikita ko siya ay lagi siyang malungkot hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang pasayahin.
Kaya naman nag-aral ako ng magic tricks para pasayahin siya. Nakita ko siya sa may bench at nakaupo mag-isa kaya nilapitan ko.
"Huwag ka ng malungkot." Tapos nagmagic ako at may kinuha ako sa may likuran niyang bulaklak ay ibinigay sa kanya.
"Corny." Ayun lang lumabas sa bibig niya at tsaka siya umalis. Doon ako nalungkot sayang yung effort ko.
At ang huli kong ginawa para magpapansin sa kanya ay kumanta sa stage nung mayroong foundation day tapos dinedicate ko sa kanya kaso hindi ko man lang siya nakita nung araw na iyon.
In the end narealized kong sumuko na lang dahil hindi ko siya mareach at baka masaktan lang ako.
★end of flashback★
Habang naglalakad tuloy ako papasok sa building namin ay hindi ko napansin na medyo naluluha ako kaya pinunasan ko iyon.
Sa pagkakaalam ko kasi eh kaya siya nagbalik dito sa Pilipinas ay dahil sa babaeng mahal niya kaso may iba na raw yung girl at hanggang friends na lang sila. Kaya hanggang ngayon ay siya pa rin ang laman ng puso't isip niya.
Napakanta na lang tuloy ako ng makaupo ako sa upuan ko.
♪♪♪♪♪
Kung ako ba siya mapapansin mo?
Kung ako ba siya mamahalin mo?
Ano bang meron siya na wala ako?
Kung ako ba siya?
Iibigin mo?
♪♪♪♪♪
"Nag-eemote ka na naman diyan." Sabi ni Joan kaibigan ko
"Hehe, wala talaga eh. Hindi siguro siya ang nakalaan para sa akin." Sabi ko then tinanggal yung headset sa tenga
"Malay mo marealize nung lalaking iyon na may gusto rin pala siya sayo."
"Naku malabo."
"Nothing is Impossible Cha kaya think positive." Tapos bumalik na siya sa upuan niya.
Oo nga noh? All things are possible to him who believes in him kaya don't lose hope Cha. Laban lang!
♦♦♦♦♦
Elmo's Note:
Totoong tao po si Charlene Villaroza kaya naman add her on facebook. Just type her name.
Pati si Joan. Just type Joan Marcelino on Facebook. At maging kaibigan sila.
Ayan special mention kayo haha!
![](https://img.wattpad.com/cover/6663288-288-k767437.jpg)
BINABASA MO ANG
Plug In II (A Musical Story)
Dla nastolatkówA MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's finding but she has a good heart. Siya 'yung taong mapagpakumbaba, matulungin, mabait, simple and no...