Krissa's POV
Nang makabalik na kami ay pinatuloy na nila ako sa kanila upang doon maghapunan at matulog na rin. Feel at home eh noh?
Wala naman kaming masyadong ginawa, kumain lang tapos natulog agad. Masyado kasing pagod sa biyahe eh. Kung inaakala niyong magkatabi kami ni Kean na matulog ay nagkakamali kayo, doon ako matutulog sa may guess room kaya huwag kayong mag-isip ng kung anu-ano ok?
Fast forward .......
2nd semester na! Ibig sabihin ay malapit na akong mag-3rd year haha! Ang bilis nga naman ng panahon. Tapos someday ay magiging professional teacher na ako oh diba matutupad ko na ang pangarap ko? Tapos si Kean ay magiging Architect, ang ganda ng combination diba?
Nandito ako sa may kwarto ko ngayon at nag-aayos ng mga gamit ko. Papasok na sana ako ng maalala kong may kulang, kaya hinanap ko ito kung saan-saan. Then I found it inside on my drawer. Gusto niyo bang malaman kung ano yung hinanap ko? Ito ay ang aking ........
Headset! Namiss ko ito, kaya naman hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at isinaksak ko ito sa aking cellphone, headet plug in! Then I play a song.
Pakiplay po yung song sa gilid entitled WAY BACK INTO LOVE BY HUGH GRANT, this song became one of my favorite when I heard it to my MP4. Hindi naman po kasi ako nagdownload ng mga song doon eh pinadownload lang. Sana magustuhan niyo.
------------------------>
Habang nasa loob ng jeep ay may naalala akong moment namin ni Kean, yung time na babawi raw siya sa akin kaya natatawa ako kapag naaalala ko iyon eh. Tapos yung song na ito ay tumugtog. Ikukwento ko sa inyo.....
*flashback*
Pagkatapos naming mag-enroll para sa 2nd Semester ay niyaya niya ako at may pupuntahan daw kami. Ako naman si go lang kaya pinuntahan namin.
Nang makarating kami sa aming pupuntahan ay nagtatalon ako sa tuwa dahil ngayon lang talaga ako nakapunta rito. Gusto niyo bang malaman kung anong lugar? Ito ay .......
MANILA ZOO! Opo, ngayon lang ako nakapunta rito kaya naman ang saya-saya ko. Kapag fieldtrip kasi ay hindi ako sumasama dahil gastos lang sabi nila Mama at Papa kaya tiniis ko na lang.
"Salamat Kean ah dahil dinala mo ako rito. *sabay hug* Bakit mo naisipang dalhin ako rito?" Tanong ko na para bang nag-iisip din.
"Ah eh, tinanong ko yung Ate mo kung anong lugar/place ang hindi mo pa napupuntahan. Tapos sabi niya sa Zoo, umiiyak ka pa daw noon sa kwarto mo kapag hindi ka nakasama sa fieldtrip kaya dito kita dinala." Sabi niya with hand gestures.
"Ah, ano pa tinatayo-tayo natin dito sa may labas? Pasok na at mag-enjoy tayo." Yaya ko
"Ok, sabi mo eh" tapos pumasok kami sa loob ng nakaholding hands. Nahiya tuloy ako ng konti hihi.
Nung nasa loob kami ay tuwang-tuwa ako sa mga hayop, gusto ko sanang picturan kaso wala akong camera buti na lang at prepared si Kean kaya picture picture!
Makalipas ang ilang oras ay nagpahinga kami. Sakto namang may nagpatugtog ng music kaya parang nagmoment ako. Hindi ko napansin na nakasandal pala ako kay Kean na nakatulog sa pagod. Tuwang-tuwa sa amin yung zoo keeper dahil daw ang sweet namin. Tapos pinicturan ko si Kean na natutulog, remembrance haha!
*end of flashback*
Hindi ko napansin na nasa school na pala ako, kaya ng akmang bababa na ako ay pinigilan ako ni Manong driver.
"Miss, hindi ka pwedeng bumaba hanggat hindi ka nagbabayad." Sabi ni Manong na nakakunot ang noo.
Ay oo nga pala hindi pa ako nagbabayad, nakakahiya tuloy sa mga tao dito sa loob baka ang iniisip nila ay magwa 123 ako. Kaya inabot ko yung bayad.
"Pasensya na po at nakalimutan ko." Then bumaba na ako.
Habang papasok sa loob ng school ay nakita ko si Shana na mukhang may hinihintay.
"Uy best? Anong ginagawa mo rito? May hinihintay ka?" Tanong ko pagkalapit sa kanya.
"Ah eh, ikaw kasi yung hinihintay ko wala kasi akong magawa sa room tinatamad ako kaya hinintay na lang kita rito." Sabi niya pero deep inside may iba siyang hinihintay.
"Eh kung gayon ay ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Halika na? Oh may hinihintay kang iba?" Sabi ko, na may halong pagbibiro
"W-wala ah *pautal niyang sabi* , ikaw utak mo kung anu-ano naiisip. Tara na nga!" Sabi niya na medyo naiinis?
"Wait, nagblush-on ka? *sabay turo sa may pisnge*"
"Hindi ah, hindi ako nagmemake-up kapag papasok lang sa school." Sabi niya habang patuloy na naglalakad.
"Eh? Ano tawag diyan? Kusang namumula? Wait, kinikilig ka? Wahhh! Hinihintay mo yung crush mo noh?" Pangungulit ko
"Ewan ko sayo, mainit kasi yung panahon." Sabi niya na para bang nagtitimpi
"Ok!"
Ayun lang nasabi ko, may lovelife na nga kaya si Shana? Sana!
*************
Elmo's Note:
Hindi natuloy yung exam namin dahil bumabagyo kaya naman nag-update ako.
Oo nga pala, papalitan ko yung book cover.
Let us not judge one another anymore, but rather resolve this, not to put a stumbling block or a cause to fall in our brother's way.
- Romans 14:13
Followers of Jesus are most effective when attitudes and actions are aligned with His.
BINABASA MO ANG
Plug In II (A Musical Story)
Novela JuvenilA MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's finding but she has a good heart. Siya 'yung taong mapagpakumbaba, matulungin, mabait, simple and no...