Pakiplay yung song sa gilid entitled MERON BA BY BARBIE FORTEZA, eto po yung moment na nag-iisip-isip si Krissa dahil sa nakaraang chapter ay nag-away ang dalawang lalaking malapit sa kanyang puso dahil sa kanyang kagagawan.
-------------------------->
"Sa sinabi sa akin na iyon ni Kean ay hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat din speechless tuloy ako mabait naman si Kristoffer eh tsaka siguro nagselos siya kasi nagsinungaling ako sa kanya at mas pinili ko pang samahan si Kristoffer kaysa sa kanya. Galit kaya siya sa akin? Bakit kasi kung kailan masaya na ako tsaka naman dumating ulit si Kristoffer."
"Si Kristoffer? Oo, may gusto ako sa kanya noon dahil siya ang first love ko tsaka ang kantang ito? Meron ba, ito ang song na lagi kong kinakanta kapag ako lang mag-isa sa bahay dahil matagal ko na siyang gusto kaso nga lang ang iniisip ko ay may gusto rin kaya siya sa akin noon? Pero ngayon, iba na ang laman ng puso ko at iyon ay si Kean."
"Nung nakita ko ulit siya ay tumibok muli ang puso ko sa kanya kaso may boyfriend ako kaya nalito rin ako kung ano ba ang ipinapahiwatig nito. Hindi naman ako pwedeng magmahal ng dalawa dahil isa lang ang puso ko at tiyak na may masasaktan sa kanila. Siguro, hindi lang ako prepared na makita siya kaya bumilis tibok ng puso ko maaaring kinakabahan lang ako nun."
"Kung papipiliin ako sa kanilang dalawa ay hindi pa ako handa parehas silang mahalaga sa akin tapos pareho rin nila akong napapasaya. Boyfriend ko si Kean at tinuring ko namang Bestfriend si Kristoffer ayokong mamili sa kanila. They were both important to me. Hindi ko kaya layuan si Kristoffer dahil wala namang reason, nagseselos lang talaga sa kanya si Kean."
"Pero alam kong nasaktan ko talaga si Kean dahil naglihim ako sa kanya. Syempre kung ako rin yung nasa kalagayan niya magagalit ako sa tao kaya kailangan naming mag-usap talaga para malinaw ang mga bagay-bagay."
Kailangan ko siyang tawagan ngayon.
Dialling ....
Kean-Lash ko
"Please Kean sagutin mo yung phone mo. Hindi ko kaya yung ganito tayo."
The subscriber cannot be reach ....
Hala, galit nga siya sa akin hindi ko siya macontact try ko kaya ulit.
Dialling ....
Kean-Lash ko
The subscriber cannot be reach ....
Wala talaga, kailangan ko na ba siyang puntahan sa kanila?
Kailangan! Kailangan naming ayusin ito!
Kaya dali-dali akong lumabas ng bahay at sumakay ng taxi para puntahan siya sa kanila.
Almost 30 minutes din ang biyahe kaya naman nagmatubili akong magdoorbell sa bahay nila.
Ding dong ....
Binuksan ng Mommy niya yung door.
"Good Evening po Tita! Nandyan po ba si Kean?"
"Ay naku hija, umalis kanina eh tapos hindi pa bumabalik. Ang pagkakatanda ko ay pupunta daw siya senyo."
"Sorry po Tita, meron po kasi kaming hindi napagkaunawaan tapos umalis na siya. May alam po ba kayo kung saan siya maaaring pumunta?"
"Sorry hija, wala akong alam eh! Babalitaan na lang kita kapag dumating na siya ok?"
"Sige po tita salamat!"
Saan na kaya siya nagpunta? Kailan ko siyang makita!
*************
A/N :
saan kaya nagpunta si Kean? Mahanap kaya siya ni Krissa? Abangan ....
Kung pera lang ang yaman mo, ikaw na ang pinakadukha.
Tandaan na hindi nasusukat sa dami ng kayamanan ang pagiging mayaman kundi sa ating kalagayan bilang mga nakay Cristo.
Comment and Vote!
risingservant :)
BINABASA MO ANG
Plug In II (A Musical Story)
Teen FictionA MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's finding but she has a good heart. Siya 'yung taong mapagpakumbaba, matulungin, mabait, simple and no...