Dahil matagal din akong hindi nakapag-update dalawa ang iuupdate ko ngayon haha. Ang pangarap ko lang naman ay maraming kabataan ang matuto sa akin at umunlad ang kanilang kaalaman lalo na't sa panahon ngayon haha. Sana dumami yung readers ko at followers! At mga kaibigan na rin. Meron akong 98 followers at kung sino man ang maging 100 follower ko ay sa kanya ko idededicate ang isa sa chapter dito. Sana maging kaibigan ko kayong lahat.
Pakiplay po yung song diyan sa gilid entitled LIGAYA, sana magustuhan niyo.
------------------------->
Kean's POV
Tinanghali ako ng gising ngayon masyado kasi akong napuyat kagabi sa paggawa ng structure ng mga house nakakapagod ang hirap pala talagang maging Architect biruin mo madalas silang walang tulog at pagod pa. Pero kapag nakatapos ka naman ay sulit dahil hindi ka mamomroblema sa paghahanap ng trabaho.
Tumayo ako sa aking kama at nag-inat-inat. Sa hindi sinasadyang insidente sa pagtaas ko ng kamay ay nabunggo ko ang kalendaryo sa aking gilid kaya nalaglag ito.
Yumuko ako at dinampot ito at nagulat ako ng makita ko kung anong date ngayon. It was our 2nd monthsary at wala akong kamalay-malay na ngayon na pala iyon. Si Krissa kaya? Naalala kaya niya na monthsary namin ngayon? Sayang hindi ako prepare para sa mahalagang araw na ito. Ano bang ireregalo ko sa kanya?
Hindi ko alam kung ano ang ireregalo sa kanya at wala na akong time para makabili pa ngayon. Late na rin ako at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Natataranta na ako, ginawa ko na ang dapat kong gawin at dumiretso sa University. Bahala na mamaya.
Pagkarating ko sa classroom ay nadatnan ko si Jiro na may dalang gitara at mukhang may haharanahin yata. Wait, harana ba sabi ko? Ano kaya kung haranahin ko na lang siya tiyak na magugustuhan niya iyon at isa pa hindi nga pala siya mahilig sa mga material na bagay.
Buo na ang desisyon ko, haharanahin/kakantahan ko siya mamaya. Sigurado akong magugulat at matutuwa siya sa gagawin ko.
Nilapag ko ang gamit ko sa aking upuan at nilapitan ko si Jiro para hiramin mamaya yung gitara.
"Pare, pwede ko bang mahiram yung hawak mong gitara? Sosorpresahin ko lang yung Mahal ko, sige na." Sabi ko.
"Sige pare, basta isauli mo sa amin mamaya after class ah? Magpapraktis pa kasi ako eh." Sabi niya.
"Ok, bakit ka naman magpapraktis? Para saan? O para kanino? Umamin ka nga Jiro, may nililigawan ka na ba?" Tanong ko na medyo nag-iisip.
"Huwag mo ng alamin, ako na bahala doon haha. Oo nga pala, tapos ka na doon sa pinapagawa sa atin?" Tanong niya at inilapag ang gitara sa side niya.
BINABASA MO ANG
Plug In II (A Musical Story)
Genç KurguA MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's finding but she has a good heart. Siya 'yung taong mapagpakumbaba, matulungin, mabait, simple and no...