PiII 88 Moving Closer

507 57 4
                                    

Eight Chapters left kaya huwag po kayong bibitiw at pagkatutukan ang mas kapana-panabik na kwentong ito.

ENJOY READING GUYS! 

COMMENT AND VOTE! 

GOD BLESS!

Kean's POV

Bakit ako nasa lugar na ito? Ano ginagawa ko rito? Ang alam ko ay nakasakay ako sa eroplano ngayon pauwi sa Pilipinas. Teka nga, Pilipinas na ito, mainit na kasi kaya mapag-aalaman mong nasa Pilipinas ka na. Tumayo ako sa kinahihigaan ko at nakita ko ang isang babae.

"Nasaan ako? Sino ka? Paano ako napunta rito?" Sabi ko na sobrang confused.

Inalalayan niya ako para humiga. "Huminahon ka lang, huwag kang mag-alala dahil ligtas ka na. Natagpuan kita sa may pampang siguro sumabog yung sinasakyan mo kaya ka napunta rito sa lugar namin." Sabi niya at kinukumutan niya siya.

Oo nga pala, nagplane crash yung sinasakyan kong eroplano kaya ako napadpad dito. Salamat naman at mabuting tao yung nakakita sa akin at inalagaan ako.

"Salamat nga pala sa pagliligtas mo sa akin. As soon as possible kailangan ko ng makauwi sa amin marahil nag-aalala na sa akin yung mga mahal ko sa buhay. Pati na yung girlfriend ko." Sabi ko.

Pagkasambit ko ng mga iyon ay bigla na lang nag-iba yung timpla ng kanyang mukha. Kanina lang eh masaya siya tapos bigla namang lumungkot ngayon. May nasabi ba akong masama?

Tapos naupo siya sa isang tabi habang pinapakinggan yung kanta roon sa radio. Senti mode si Miss. Hindi ko talaga lubos maisip kung ano ba nasabi kong masama para magkaganyan siya.

♪♪♪♪♪♪  

I know that this wound will bleed again 

Now I am here right beside the one I love 

I see he's in love with someone else 

Now I know I just got to let him go 

Because it's over, 

Help me get over 

♪♪♪♪♪♪

Bakit ganun? Parang feel na feel naman niya yung song. Para bang pinapatamaan siya na may mahal ng iba yung mahal niya. Iniwan kaya siya nito kaya nalungkot siya ng sabihin kong hinihintay ako ng Girlfriend ko?

♪♪♪♪♪♪ 

I don't know what to do 

There is no easy way of letting go 

But I know there's no sense 

In holding on too much to something fading

Help me, help me

Help me get over you

Help me get over you 

♪♪♪♪♪♪

Siguro nga tama yung hinala ko kaya ngayon ay umiiyak na siya. Hindi niya na siguro matiis yung sakit. Ganyan rin si Krissa noon nung una kaming nagkita.

"Hey miss, bakit ka umiiyak? Anong reason?" Sabi ko. Malay mo may ibang reason diba?

"Ah wala lang may naalala lang ako." Sabi niya. Yung Guy kaya yung naalala niya? Sana hindi ko na lang tinanong baka mas lalo pa siyang umiiyak. Naalala ko tuloy yung girl sa waiting shed noong high school ako. Ayun na nga lang ma-open na topic para tumigil na siya sa pag-iyak.

"Alam mo ba, may naaalala tuloy ako sayo. Kasi dati noong high school pa ako sa dati kong school ay may naencounter akong babaeng umiiyak. Ang reason niya ay hindi daw siya makauwi ng bahay nila dahil wala siyang payong kaya binigay ko sa kanya yung payong ko at panyo. Kamusta na kaya yun?" Sabi ko at umupo ako sa aking kinahihigaan. Kubo lang ang bahay nila dahil probinsya nga diba.

Plug In II (A Musical Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon