Chapter 10: the pageant

43 0 0
                                    


Lyn P0V

Nandito kaming lahat sa room, kasama si bryan, dapat nga nasa room na nila yan para ayusan pero nandito,ewan ko ba dyan, nakilala na rin pala siya ni shaira, ok naman daw sabi niya, alam na rin ni shaira na kami na ni marwin,

Ngayon na kasi ang pageant at ayun yung dalawa,magkatabi kanina pa yan e, simula nung pumasok sila di na naghiwalay para ngang may something sa dalawa na ito e,

"Kim tignan mo yung dalawa na yan oh" bulong ko kay kim, katabi ko siya inaayos niya yung pang make up niya, siya kasi mag aayos kay shaira,

"Shai, tara na dito ayusan na kita maghiwalay muna kayo niyang si jerone," sabay naman napatingin sa amin yung dalawa,

Tumayo si shaira at hinila niya si jerone palapit saamin,

"Guiz may sasabihin kami sainyo" sabay tingin kay jerone at nginitian lang siya nito, aamin na yata sila sabi na e,

"What kayo na kelan pa?" oa na reaction ni kim, sinamaan lang siya ni shai ng tingin, tumahimik naman

"Jerone and i were---" naputol yung sasabihin niya ng magsalita ulet si kim

"Magpapakasal na kayo, bakit? buntis ka ba?" nabatukan naman siya ni shaira

"Were childhood friend" si jerone ang nagtuloy, pero WHAT?

O.O yan lahat ang reaction namin, pwera lang kay bryan, tama ba narinig ko

Tinignan nila kami at tumawa, problema ng dalawa na ito..

"Pffft... bakit ganyan mga mukha niyo pffft..." shaira na nagpipigil ng tawa

"Congrats pre you found her," at tinap niya sa balikat

"No pre, we found each other," sabay tingin kay shaira, at nagngitian naman sila.

fastforward

"Guiz goodluck, kaya niyo yan guiz.." kim, nginitian lang siya ni shaira, alam ko kahit di nagsasalita yan, kinakabahan yan

Niyakap ko si shaira, "Wag ka na kabahan, marami ka namang supporter at alam ko mananalo kayo dyan, lalo na sa joanna na yun," naramdaman kong natawa siya, "goodluck bhest, we support you what ever happend" at kumalas na ko, tumango tango lang siya.

Lumabas na kami, puwesto kami sa harap para makita niya kami agad, maya maya ay nagsalita na ang mc

"Gud evening everyone this is the blah blah blah...." marami pa siyang sinabi

"Now i represent to you, our candidates..." at naglabasan na ang mga candidates, ang alam ko pang ten pa sila kaya ng lumabas sila ay naghiyawan ang mga tao, magkahiwalay muna sila sa magkabilang dulo, lalakad sila papunta sa gitna para maglapit sila , rarampa papunta sa harap, maghihiwalay ulet, lalakad pabalik sa dulo at rarampa ulet sa gitna sabay post, tumingin siya sa amin nagthumbs up naman kami, ngumiti lang siya ng bumaba yung tingin niya sa judge natigilan siya, pero nawala din iyon,

Best friends to loversWhere stories live. Discover now