Chapter 31: new friendship

16 1 0
                                    


Shaira P0V

Pagkatapos ko mag ayos ng sarili ko bumaba na ako, pagbaba ko wala pa si sharlene kaya umupo na ako.

"Paki tawag na po si sharlene" utos ko, umalis naman si manang.

Maaga ako nagising, actually hindi ako nakatulog ng maayos, naaawa ako sa kapatid ko, iniisip ko, wala na ba talaga akong oras sa kanya, puro nalang ba school ang inaatupag ko.

Napatingin ako sa kanya ng umupo siya sa tabi ko, tuloy tuloy lang ako sa pagkain.

"Ate sorry" narinig kong sabi niya, kaya napatingin ako sa kanya, nakayuko siya.

"Sorry ate kung nasabi ko yun kagabi, i'm sorry talaga ate, alam ko dapat hindi ko yun sinabi" tumingin na siya sakin.

"Ate alam ko mali ako, naging selfish ako, sarili ko lang yung inisip ko, ate hindi kita kayang iwan, ate bata palang ako, ikaw na yung gusto ko kasama, ate sorry talaga, pangako ate hindi ko na uuletin yun, pangako babawiin ko yung grade ko, pangako ate promise" mahabang sabi niya at tinaas pa yung kanang kamay.

"Ok promise yan hah, babawiin mo yung grade mo" tumango siya

"Yes ate basta dito lang ako hah" nakapout niyang sabi, napangiti naman ako sa ginawa niya, bata pa talaga.

"Ok sige na, bilisan mo na kumain dyan, sabay na tayo" natatawang sabi ko.

"Yeheyy" masayang sabi niya tumayo at niyakap ako, hayy kapatid ko talaga...

Sharlene P0V

Sabay na kami pumasok ni ate, pagpasok palang namin sa school sinalubong na kami nila ate lyn.

"Pumasok ka na" sabi niya, kaya umiba na ako ng daan, nakita ko naman sila kuya jerone, kasama si ate joanna, shempre may respeto naman ako kahit na bitch ang tawag nila ate sa kanya.

Naalala ko tuloy yung nangyari sa batangas, doon ko lang nakita si ate na umiyak ng ganun, nagulat ako ng may humarang sa paglalakad ko.

"Hi my ex bestfriend" bati ni mary, lalagpasan ko na sana siya ng nagsalita siya ulet.

"Kumusta ang pagiging ahas masaya ba?" sabi niya ulet, ayaw kong lumingon, kahit paano naging kaybigan ko parin naman siya.

"Mary!!" napalingon kami sa tumawag.

"Tigilan mo na siya, wala naman talaga siya kinuha sayo kasi hindi naman ako naging sayo" sabi niya habang naglalakad palapit sa tabi ko.

"Dahil sa kanya talaga ako" sabi niya sabay tingin saakin, nginitian niya ako at inakbayan.

Naglakad na kami palayo sa kanila, tumigil yung mundo ko ng marinig ko yun, bakit ganto yung nararamdaman ko, ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Teka nga lang, anu yun?" sabi ko tas tinanggal ko yung pagkaka akbay niya.

"Wala tara" tas hinila niya ako sa... garden.

"Sorry nga pala kasi sinabi ko lahat sa ate mo" sabi niya.

"Okay na iyon, ayus naman na kami ni ate." sabi ko.

"Ahh... sharlene may gusto sana ako sabihin" simula niya.

"Ano yun?" tanung ko, mukang seryoso siya ah.

"Mag i-stay na kasi kami sa canada, kinukuha na kasi kami ni dad" sabi niya, nalungkot naman ako sa sinabi niya, ngayon na nga lang kami naging close tas aalis pa siya.

Best friends to loversWhere stories live. Discover now