Shaira P0VOne week na kaming ayos ni jerone, alam ko narin yung tungkol sa kanila ni joanna, alam niyo kung pwede nga lang i-tape yung bunganga niya kapag kasama kami ginawa na namin.
Tulad ngayon ito kasama namin siya sa bahay, gagawa kasi kami ng project, group project kasi.
"Guiz alam niyo ba sobrang sweet niya at sobrang maalaga, alam niyo guiz--" hindi ko na narinig yung iba pa kasi nagtanung si marwin.
"Ok na ba yung ganto?" tanung ni marwin.
"Ahh oo ang ganda" sagot ko, tinuloy niya na ulet, tinignan ko yung mga kasama ko abala sa mga ginagawa nila, may nakikinig pa kaya sa kanya? tingin niyo guiz...
"Sj ok na ba ito?" tanung niya, tumango naman ako.
Ginawa ko narin yung gagawin ko, yung isa doon nagkwewento parin tungkol dun sa babae niya.
"Alam niyo guiz may nakita ako, sobrang ganda nung gawa nila" sabi ni kim, napahinto naman siya sa pagsasalita.
"Alam mo kim matatalbugan pa natin iyon, tingnan mo konting ayos na lang, perfect maganda narin" sabi ni lyn. naman
"Pati nga sila joanna may gantong project" singit niya, nakita kong tumayo si lyn at kinuha yung tape.
Bumalik na siya sa pwesto niya at hinagis niya kay jerone yung tape.
"Jerone oh" sabi niya.
"Ano gagawin dito?" naguguluhang tanung niya.
"Bahala ka kung saan mo gusto gamitin yan" sagot ni lyn at nagpatuloy na sa ginagawa, kinuha naman ni marwin.
"Alam ko na kung ano pwede gawin dito" sabi niya tapos naggupit siya ng medyo malaki, tapos dinikit niya sa bibig.
Nagtawanan naman kami, kinuha din ni angelo at ginaya si marwin, sumenyas si marwin na gayahin din sila ni jerone, at binigay sa kanya yung tape.
Ginawa niya rin, kami mga girls tawa lang tawa, kaya habang gumagawa kami tawa lang kami ng tawa, nakalimutan niya na si joanna, thanks to lyn.
Dito na sila naglunch sa bahay, wala naman na kaming narinig na pangalan nung babae na yun.
Pagkatapos namin kumain ay tinuloy na nila yung ginagawa kami nalang ni lyn ang natira dito.
"Shai ok lang sayo?" biglang tanung ni lyn.
"Ang alin?" tanung ko din.
"Na iba yung pinaniniwalaan niyang ugali ni joanna, kasi alam mo shai nakakarindi na" sabi niya, totoo naman nakakarindi naman talaga.
"Oo, wala naman na tayong magagawa kung yan ang nakikita niya, at buhay niya yan, siguro alam niya naman ang tama, kaya hayaan nalang muna natin siya" sabi ko, tama naman ako diba, hindi naman namin hawak buhay niya.
Kim P0V
Hi guiz ngayon lang ulet ako nagka P0V..
Nandito na ako sa sala kasama ko yung boys, nag uusap sila nakikinig lang ako.
"Pare talaga bang seryoso ka na kay joanna?" biglang tanung ni marwin, napatingin naman ako kay jerone, ngumiti siya.
"Oo naman pare" nakangiting sabi nito.
"Pero pre dati hindi naman natin seneseryoso ang mga babae" sabi ni angelo
"Dati yun pre, iba si joanna sa mga babae na yun, at mahal ko siya pare" sabi niya, kung alam mo lang jerone ang tunay niyang ugali mamahalin mo pa kaya siya, pero who knows naman, baka kung ano pinapakitang ugali niya kay jerone , yun ang totoong siya like shaira.
"Pero parang ang bilis naman ata ninyo?" tanung ulet ni marwin
"Ganun talaga kapag tinamaan ka, parang ka,yo rin naman ni lyn, mabilis din hah" sabi ni jerone
"Pero kami ni lyn 3 months bago niya ako sinagot, kayo kasi 1 month palang magkakilala" sagot ni marwin, tama naman siya at kaybigan na namin sila nun, nakita kong dumating na yung dalawa at umupo sa mga ginagawa.
"Oo nga, may masama ba doon, kung mabilis o matagal man kami nagkakilala?" sabi niya, walang kumibo.
"Teka nga lang guiz, parang may mali sa mga tanong niyo e, sabihin niyo na gusto niyo sabihin, hindi yung nagpapaligoy ligoy pa kayo, ano sabihin niyo" sabi niya, napatingin kami lahat sa kanya, napatingin naman ako kay shai, ba't hindi ko mabasa iniisip niya, ng tignan siya ni jerone ay nag iwas ito ng tingin at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Tama na yan guiz, tapusin na natin ito para mayari na tayo" sabi niya, kaya ginawa na namin tahimik lang kami habang gumagawa,
"Malapit na matapos guiz, konti nalang" sigaw ni shaira.
Nang matapos na kami ay nagpaalam na si jerone.
"Guiz una na ako, may pupuntahan pa ako" tapos tumayo siya at lumabas na, tinignan namin si shaira.
Inirapan niya yung dalawang lalaki at tumayo"
"Meryenda muna tayo , bago kayo umalis" tas nauna na siya sa kusina, sumunod nalang kami.
"Kung gusto niyo ako tanungin kung ano gagawin, kayong dalawa nakakaalam noon kasi kayo ang mas nakakakilala sa kanya at kung meron dapat umintindi sa kanya tayo yun kasi tayo ang kaybigan niya" mahabang sabi ni shai, habang kumakain kami, tama siya dapat inintindi nalang nila si jerone kahit pa mahirap saamin makinig sa lahat ng sinasabi niya tungkol kay joanna.
Shaira P0V
Hindi ako makatulog kanina pa kasi nagpapabalik balik sa isip ko yung mga sinabi niya kanina.
Nagvibrate yung phone ko, pagtingin ko si sj, binuksan ko yung text niya.
Frm: sj pogi
Sj hindi ko kasi maintindihan, bakit ganun sila kanina, yung mga tanong nung dalawa na yun, alam mo kung wala kayo doon nasuntok ko na sila, kasi kung ayaw nila kay joanna sabihin nila, sj kayo ba ayaw niyo rin ba kay joanna? Sj sana magreply ka naman.Mahabang text niya, napabuntong hininga ako, kaylangan niya na siguro malaman.
Nilagay ko sa record mas maganda kung maririnig niya nalang.
"Alam ko naguguluhan ka ngayon, siguro iniisip mo na ayaw talaga namin sa kanya, sorry sj may mga hindi magandang nangyari sa pagitan namin noon bago kayo nagkakilala, at kung sasabihin ko man sayo baka hindi mo rin paniwalaan, kung mahirap para sayo na hindi namin matanggap si joanna, mas mahirap sa amin yun dahil alam naming hindi ka tuluyang magiging masaya, pero hindi ka naman namin hahadlangan kung mahal o nagmamahalan kayo, susuportahan ka namin, at malay mo ikaw magpabago sa kanya, kaya ito tatandaan mo na nandito lang kami lagi para sayo.. Sana ngayong nalaman mo na yung gusto namin sabihin ay maintindihan mo at sana wag ka ng magalit sa dalawa dahil lang sa tanung nila...
Inend ko na, at sinend sa kanya, pinunasan ko na yung luha ko, ewan ko ba, dapat nga maging handa ako sa mangyayari pagkatapos niya marinig yun, dahil aminado naman ako na hindi niya magugustuhan yun pero mas maganda ng malaman niya yung totoong nararamdaman namin.
YOU ARE READING
Best friends to lovers
Dla nastolatkówPaano kung may dumating sa buhay mo na magpabago sayo, na ibalik ka sa dating ikaw, At nalaman mo na siya ang naiwan mong kababata na matagal mo ng hinahanap. At dahil sa lumalamim na pagakakaibigan niyo, ay may iba ka na palang nararamdaman para s...