Shaira P0VNagising ako na parang ang saya saya ko, siguro natulog lang ako ng masaya, kasi ayos na ulet kami.
"Basta lagi mo tatandaan iyon hah na sa isip ko susuportahan kita, dahil mahalaga ka saakin at ayaw kita nasasaktan" sabi niya tas bahagya niya pinisil yung ilong ko.
Napangiti ako sa naisip ko, ang sweet kasi ng pagkakasabi niya noon, nakakaki---...
Napaupo ako sa naisip ko, anu ba naman iyan, hindi pwede yun, hoy... shaira bestfriend mo yun, kung anu anu pinag iisip mo.
Bumangon na ako at dumeretso sa cr my god baka kung ano pa pumasok sa isip ko e.
Pagbaba ko nakita ko na sila kumakain, ang galing hindi man ako ginisimg, pati itong magaling kong kapatid.
"Morning guiz" bati ko para mapansin nila, napatingin naman sila saakin.
"Morning sj" nakangiting bati ni sj kararating niya lang somehow may dala siyang food.
"Upo ka na pinaluto ko lahat ng favorite mo" sabi niya, wow talaga..
"Peace offering" dugtong niya, natawa naman ako.
"Wow talaga thank you" masayang sabi ko naman, ang sweet niya, awayin ko nalang kaya siya lagi para may peace offering na ganito.
"Tara upo ka na kain na tayo" aya niya ulet kaya umupo na ko sa tabi niya.
"Ok na sila, diba kahapon lang hindi nagpapansinan yan" bulong ni marwin, bulong ba yun rinig ko naman.
"Oo nga e, siguro nag usap na sila" bulong din ni kim nagkatinginan kami ni sj,
"If you have any question, tell them, unlike that, you are whispering but they can hear" sabat nung pangit, anu nga ba pangalan nito
Napaayos naman sila ng upo,
"Ayos na kayo, diba kahapon?" tanung ni kim
"Haha oo ok na kami nakapag usap na kami, at hindi naman ako matitiis ng bestfriend ko e" sabi ni sj, kasi naman tama na baka kiligin na talaga ako dito..
"Ang kapal mo, kaya kita tiisin no, pasalamat ka..." hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko.
"Anu?" tanung niya.
"Wala kumain ka na lang" tas sinubo ko sa kanya yung isang slice.. pasalamat ka gwapo ka, at bestfriend kita.
"Why don't you admit that you have a relationship, beacause it's so obvious" singit nanaman nung pangit, hilig sumingit nito hah.
"Tumigil ka dyan baka magbago isip ko at iwan ka namin dito" banta ni sj.
"Ito naman hindi mabiro, magbestfriend nga lang kayo" sabi niya, nagtawanan naman kaming anim.
Pagkatapos namin kumain ay bigla nalang ako hinila ni jerone saan naman kaya kami pupunta.
"Ang ganda ng dagat no, buti pa yung dagat ang payapa," biglang sabi niya, napatingin naman ako sa kany , nakasandal yung ulo ko sa balikat niya, nandito kami sa tree house niya, dito niya ko hinila.
"HIndi ka pa rin ba tinatawagan?" sabi ko, nagbuntong hininga siya
"Oo e, nagalit kasi siya saakin kahapon nung sinabi niya yung tungkol sa list" sabi niya, nakatingin parin siya sa dagat, so yun pala yung nanguna, kahit kelan talaga yung babae na yun.
"Kelan ba ang dating nila galing canada?" tanung ko.
"Kausapin mo siya pag uwi natin, puntahan mo siya sa bahay nila" sabi ko, sinabi ko lang naman iyon dahil ayaw ko nakikita na ganyan si sj.
"Alam mo, wag muna yan ang isipin mo, ang isipin mo kung ano gagawin natin dito" sabi ko, hindi naman pwede na tumunganga kami dito maghapon.
Bumaba siya sa tree house, nagulat ako ng buhatin niya ako yung bride style ganun, tumakbo siya papunta sa dagat, naramdaman ko nalang na nababasa na yung likod ko, bigla niya ako binitawan kaya lumubog ako.
Nang makatayo ako wala na siya sa tabi ko, nagulat ako ng may biglang mangiliti sa akin, nakahawak siya sa akin kaya hindi ako napaupo. nagpumiglas ako kaya nakawala ako sa pagkakakiliti niya.
Naghabulan lang kami doon, minsan nahuhuli niya ako, pero makakaalis din ako, sobrang saya dahil kasama ko siya, dahil alam ko rin namang mahirap din sakanya iyon, and happy narin naman ako kahit na hindi niya ako suportahan, ang importante naman ay ok kami at masaya kami.
Nang mapagod kami ay nahiga kami sa buhanginan, tahimik lang kami parehas lang kami nakatingin sa langit.
"this will be the last day na makakasama kita no" biglang sabi ko, bigla ko lang kasi naisip, alam kong napatingin siya sakin.
"Bakit naman?" tanong niya, napatingin naman din ako sa kanya.
"Kasi bukas we back in reality, tapos sa pasukan busy na sa campaign, hindi narin tayo magkikita" sabi ko,
"Ganun ba iyon?" tanong niya ulet
"Oo, maybe kasi magkalaban kami, who knows naman kung ano magyayari after nito diba" sabi ko nalang
"Halika nga dito" sabi niya at hinila niya ako, na pahiga yung ulo ko sa braso niya, kung iisipin tama naman yung pangit niyang pinsan e, na parang kami nga, pero hindi e, malabo na maging kami, una may gf siya at pangalawa bestfriend ko siya, kaya imposible talaga.
Hayy... kung ano ano iniisip ko,
********************************
Naggising ako, nasaan ako? saan lugar ito? umupo ako.
"Good morning" napalingon ako sa nagsalita, nakita ko ang isang gwapong nilalang...
"Nakatulog ka kasi kaya dito nalang kita dinala" sabi niya, pag tingin ko sa labas, yung tree house lang pala ito, meron palang ganto ito.
"Tara na baka hinahanap na nila tayo" sabi niya, bumaba na siya, inalalayan niya naman ako bumaba.
Pagdating namin sa rest house, kumakain na sila, umupo ako sa tabi ni lyn.
"Saan kayo natulog?" tanung ni kim.
"Sa tree house" simpleng sagot ni sj.
"Insan hindi pa ako ready maging tito" singit nung pangit.
"Gago" sabi ni sj at binatukan siya.
"Insan kelan mo papakilala yung gf mo sakin, maganda ba?" sabi ulet nung pangit.
"Malapit na pare" nakangiti namang sabi ni sj.
"Ang bilis naman nang araw, after ng vacation na ito , pasokan na ulet, tapos election na hayyy" sabi ni kim.
Oo nga, pagpasok namin, hindi nanaman kumpleto ang barkada, hayy sana kasi ako nalang... pero wala tayo magagawa gf yun e, bestfriend lang ako.
YOU ARE READING
Best friends to lovers
Roman pour AdolescentsPaano kung may dumating sa buhay mo na magpabago sayo, na ibalik ka sa dating ikaw, At nalaman mo na siya ang naiwan mong kababata na matagal mo ng hinahanap. At dahil sa lumalamim na pagakakaibigan niyo, ay may iba ka na palang nararamdaman para s...