Chapter 25: choosing/ best friend vs girl friend

16 1 0
                                    


Shaira P0V

Pagkababa ko nasa dagat na sila, pagtingin ko sa kubo nakita ko si sj mukhang ang lalim ng iniisip at nakatingin sa phone niya.

Nilapitan ko siya at kinuha ko yung phone niya, nakita ko yung pangalan ni joanna, hanggang dito ba naman, hindi ko naman siya masisisi kasi gf niya yun.

"So it's her" sabi ko at umupo ako sa tabi niya.

"Hindi niya kasi sinasagot yung mga tawag ko e" sabi niya, deretso lang ang tingin niya sa dagat.

"Baka naman kasi busy siya sa pag iikot sa canada" sabi ko, napatingin siya saakin.

"Alam mo mamaya lang tatawag na iyon, magpamiss ka naman kasi minsan" sabi ko ulet, nginitian ko siya.

"Diba nga kaya tayo nandito para mag enjoy tara" tas hinila ko na siya patayo, at tumakbo na kami papunta sa dagat, iniwan ko na yung phone niya doon.

Hinihila ko siya hanggang sa makarating kami sa malalim, marami din kami ginawa, nagpwesikan ng tubig, minsan nag uunahan kami sa paglangoy, naghahabulan din kami sa tubig, ang saya na ganto kami ngayon.

Nang mapagod kami ay umupo muna kami sa buhanginan, ilang minuto din kami nakatingin sa dagat ng magsalita siya.

"Thank you kasi nakilala namin kayo, tinuruan niyo kaming respetuhin ang mga babae, na dapat ang mga babae hindi sinasaktan, kung hindi inaalagaan" sabi niya, napatingin ako sa kanya.

"Alam niyo, kaya niyo naman gawin iyon e, ayaw niyo lang, bakit nung nagkakilala tayo, first day, hindi niyo naman kami binastos nun diba?" sabi ko naman.

"Ewan kasi nung time na iyon, parang ang gaan ng pakiramdam namin sa inyo, at lalo ka na, nakikita ko kasi yung kababata ko, na ikaw naman talaga, siguro dahil alam ko, namin na iba kayo sa ibang babae na nakilala namin" mahabang sabi niya rin.

"Alam mo same tayo, dahil sa inyo natututu ako ipakita yung totoong ako, at dahil nakita kita, kaya ko na ulet magtiwala, yun kasi ang kulang sakin, lalo na sa mga lalaki, ang ibigay ng buo ang tiwala, at alam ko hindi naman iyon masasayang diba?" sabi ko, tumango lang siya, iyan ang dating shaira, pili ang taong pinagkakatiwalaan, hindi basta basta, ipinapakita ang sariling pagkatao, nagtatago sa sarili at natatakot magkamali.

Hayy ang drama na po namin, baka makalimutan ko na yung tungkol doon sa list, pero paano ko naman sasabihin.

"Ang drama na natin, tara ligo nalang ulet tayo" aya niya, napatingin ako sa barkada, kaylangan ko na masabi iyon, alam ko binibigyan talaga nila ng space para mag usap,

"Wait" sabi ko, umupo naman siya ulet

"May itatanong lang ako, kasi may kakilala ako, magkalaban kasi yung girlfriend niya at yung bestfriend niya sa isang compitition kung ikaw siya sino pipiliin?" tanung ko ito lang ang madaling paraan para masimulan ko.

"Yung gf ko shempre kasi kaylangan niya ng suporta ko bilang boyfriend niya, at siguro iintidihin naman iyon ng bestfriend ko" sabi niya para kong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko iyon, ang sakit pala marinig nun, inexpect ko na iyon e pero ang sakit parin.

"Kahit na masaktan yung bestfriend mo?" tanung ko, medyo gumagaralgal na yung boses ko, para ngang ayaw ko na marinig yung sasabihin niya at tumakbo nalang.

"Oo, kasi kahit sino piliin dyan,masasaktan din naman, and maybe sooner mawala din iyon" sabi niya, at napatingin siya sakin kaya umiwas ako ng tingin, baka kasi hindi ko mapigilan yung luha ko.

Huminga nalang ako ng malalim at tumayo.

"Tara na" sabi ko at nauna na ako maglakad, ngayon hindi ko na kaylangan pang itanung kasi parang alam ko na yung sagot.

Lyn P0V

Nakita namin si shaira at jerone na nag uusap kanina, sinadya namin na wag lumapit para magka usap sila, sana naman ngayon intindihin niya si shai, kasi lagi nalang si shai ang umiintindi sa kanya.

"Hindi ka rin ba makatulog?" tanung ni kim, gising pa pala ito.

"Oo e, iniisip ko kasi sila shai" sabi ko.

"Tara labas tayo" aya niya.

Lumabas kami, nang malapit na kami sa batuhan ay may nakita kaming umiiyak, nagkatinginan kami ni kim parang alam niya rin yung iniisip ko.

Nilapitan namin yung umiiyak, tama nga ako si shai nga, ano kaya nangyari kanina.

Umupo ako sa tabi niya, lumingon naman siya saakin, at bigla niya ako niyakap, nakiyakap narin si kim.

Nang mahimasmasan siya ay nagtanung ako.

"Nasabi mo na ba?" tanung ko, umiling siya.

"Bakit ka umiiyak dyan" sabi naman ni kim.

"Hindi ko na kaylangan pa sabihin sa kanya kasi alam ko na yung sagot" umiiyak na sabi niya,

"Paano mo naman nalaman kung hindi mo pa sinabi sa kanya" sabi ni kim.

"I'm not directly say to him, i refer some another person and.... ang sakit lang kasi malaman na hindi ikaw yung susuportahan niya, pero expected ko na yun e... pero ang sakit talaga" sabi niya, nararamdaman kong nasasaktan talaga siya, at ngayon ko lang ulet nakita na umiyak ng ganto si shai.

"Pero shai kaylangan mo parin sabihin sa kanya, kesa sa iba pa niya malaman" sabi ni kim

"Oo nga shai kasi malalaman mo talaga yung totoong sagot niya, and if ever naman na totoo yan nandito naman kami e, susuportahan ka namin" sabi ko,

"Oo nga dito lang kami, full support" napatingin kami sa likod namin, yung dalawa lang pala..

Alam na din nila yung tungkol sa list, tutal alam na nila yung totoo tungkol sa pagitan namin, alam ko nasasaktan talaga siya, at sana kahit minsan intindihin naman siya ni jerone, nandoon lang kami hanggang mag aya na siya pumasok.

Best friends to loversWhere stories live. Discover now