Shaira P0V"Ang swerte mo naman shai nayakap mo si mrs. mendoza, ano feelling?" tanung sakin ni joey, kanina pa nga nila pinag uusapan si mommy e, nandito kami sa back stage inaayos yung gamit ko,
"Alam mo parang close na nga kayo e," ate ella, kami lang apat dito, yung barkada nasa labas yata sila
"Yung kanina, siguro sakto lang na doon palang nagsink in sa utak ko na nanalo ako kaya naiyak ako habang yakap siya, at mabait naman siya kasi kinonfort niya ko." pagsisinungaling ko,
"Siguro ang swerte ng mga anak nila no," sabi ni pau swerte? siguro swerte nga kami kasi sila yung naging magulang namin na kahit hindi nila kami kasama e, nararamdaman namin na nandyan parin sila para saamin, at hindi nila kami pinapabayaan, kaya i really love my parents so much..
"Tapos ka na ba?" tanung ni lyn nandito na pala sila, tumango lang ako,
"Let's celebrate guiz" sigaw ni pau, napatingin ako sa kanila, hindi ako makakasama hinihintay na ako nila mommy, and excited na ko umuwi, i want to see my family.
"Ahh... guiz sorry pero hindi kasi ako makakasama ngayon, next time nalang, promise babawi ako," tinaas ko pa ang kamay ko, tinignan ko si lyn at si kim, ngumiti lang sila,
"Ok sige, basta next time babawi ka hah," sabi ni lyn
"Oo promise babawi ako sa susunod thanks talaga guiz," masayang sabi ko at dinampot ko na agad yung mga gamit ko
Nang matapat ako kay sj nakatingin lang siya sakin, ngumiti muna ko,
"Congrats ulet satin and thank you," niyakap ko siya, naramdaman kong niyakap niya rin ako,
"GROUP HUG" sigaw ni kim kaya nagsidambahan na sila saaming dalawa, kasama yung tatlo.
Nandito na ko sa porking ng mansyon, bumaba na agad ako, at pumasok sinalubong ako ng isa sa maid namin dito,
"Good evening ma'am" bati niya,
"Nasaan sila?" tanung ko
"Ang mommy niyo po nasa kusina--" hindi ko na siya pinatapos magsalita, pumunta na ako sa kusina, nakita ko si mommy abala sa pagluluto, lumapit ako at niyakap siya
"I love you mom" paglalambing ko
"I love you too baby" sagot nito
"Mukhang mapaparami yung kain ko nito," sabi ko ng tignan ko yung niluluto ni mommy
"Bakit hindi ka ba nakakain ng maayos?" tanung niya, kumalas na ko at tumabi sa kanya
"Nakakain naman po pero, namiss ko yung luto mo mom e," sabi ko, natatawang tumingin sakin si mommy
"Ikaw talagang bata ka, magbihis ka na nga at mamaya kakain na tayo," sabi niya
"Ok mom, ahh mom sila dad?" tanung ko
"Ang dad mo baka nasa office niya, si sharlene naman baka nasa kwarto niya," sabi ni mom
"Ok mom, puntahan ko nalang si dad," paalam ko, hinalikan ko muna si mom sa pisngi bago ako umakyat,
Ang laki talaga ng mansyon na ito, dito tumutuloy sila mommy pag umuuwi sila dito, may music room dito, kumpleto nga sa gamit yun e, may library din dito at may sariling office si dad, may intertaiment room, doon kami nila lyn pag pumupunta kami dito, may apat na kwarto din sa taas, yung isa kila mom, yung dalawa para saamin ni sharlene, yung isang kwarto, ewan ko hindi ko pa nga napapasok yun e, may tatlong guest room isa sa taas, dalawa sa ibaba, ganun kalaki ito, yung bahay na tinutuloyan namin ni sharlene, yun daw yung bahay nila nung nagsisimula palang daw sila.
YOU ARE READING
Best friends to lovers
JugendliteraturPaano kung may dumating sa buhay mo na magpabago sayo, na ibalik ka sa dating ikaw, At nalaman mo na siya ang naiwan mong kababata na matagal mo ng hinahanap. At dahil sa lumalamim na pagakakaibigan niyo, ay may iba ka na palang nararamdaman para s...