Chapter 20: the lies of joanna

15 1 0
                                    


Shaira P0V

Pagpasok ko naupo lang ako sa isang sulok at nag earphone, ayaw ko ng kausap ngayon, kung pwede nga lang hindi pumasok, hindi ako papasok ngayon.

Nagturo na lahat ng prof. pero hindi parin ako nakikinig, napatingin ako sa kumalabit sakin si lyn pala.

"Lunch?" aya niya, tumango lang ako at tumayo na, nauna na ko maglakad sakanila.

Pagdating namin sa cafeteria, ay nagsisi ako sana hindi nalang ako sumama, ewan ko ba sa sarili ko, bakit ako ganto pagnakikita ko sila magkasama.

Umorder na kami at umupo na buti naman marami pa bakante, napatingin ulet ako sa gawi nila.

Bakit kasi sa dinami rami ng babae dito sa school na ito, e siya pa, kung pinaglalaruan nga naman ng tadhana oh, kung sino pa yung taong kalaban mo yung pa ang gusto ng bestfriend mo, hayy buhay nga namannnn.

"Shai bakit di mo nagagalaw yung pagkain mo?" tanung ni kim, napatingin naman ako sa pagkain ko.

Napatingin ako ulet sa pwesto nila, nagkatinginan kami pero umiwas din siya, iniiwasan niya ba ako, dapat nga ako yung magalit sa kanya dahil kung hindi sakanya, hindi ako mawawalan ng allowance e, kainis ito hah, one month ulet ako walang allowance nito, nasaan yung hustisya doon, at kung al---

"Ui shai kakainin mo ba yan? akin na lang" sabi ni kim, takaw talaga nito,

"Oh sige sayo na kawawa ka naman e" sabi ko at tumayo na, simula ng makipagbreak siya kay bryan naging matakaw na siya, oo alam ko yun, hindi man nila sabihin alam ko yun, ito nga ayaw ko sa mga ito, hindi sinasabi sakin pag may problema sila at isa pa dumagdag pa itong lalaki na ito.

Pumasok na ako sa sc room, storbo kasi sila e, nakikita nilang nagsesentie yung tao ai.

Bakit kaya siya umiwas ng tingin kanina? bakit siya nagpa extend? ang dami ko tanung sa kanya pero hindi ko alam kong paano ko siya makakausap, kung lagi naman niya kasama yung babae na yun.

Nagulat ako ng may pumalakpak sa harap ko, kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Anu nanaman ba?" iritang tanung ko.

"Kanina pa kasi kami tawag ng tawag sayo, tulala ka dyan" sabi ni kim.

"Eh bakit kasi kayo nandito, diba kumakain lang kayo doon?" sabi ko, kainis kasi iniwan ko nga sila doon, kasi storbo susundan pa pala nila ako dito.

"Magtitime na po kasi, tulala ka parin dyan" sabi naman ni lyn

Tumayo na ako at naglakad papasok sa room, nakakainis naman kasi e, may problema na nga yung tao e.

Pagpasok ko naupo nalang ako at nag earphone, nagulat ako ng may mangalabit saakin.

"Bakit hindi mo kasi kausapin" sabi niya napaisip naman ako doon.

Natapos yung klase, kaya nagpaalam na ko sa kanila, tama kakausapin ko siya.

Best friends to loversWhere stories live. Discover now