New Semester, New girl

21 1 1
                                    

Intramurals na. Its the end of 2nd semester. Pumunta ako ng maaga sa school to practice for the basketball league. Nang biglang may bumunggo sakin. Nalaglag lahat ng dala niyang libro. Tinulungan ko syang kunin ang mga gamit niya. Pagkatingin ko sa kanya eh.. Hindi sya pamilyar sa university. Pero hindi lang yun ang napansin ko. Ang ganda niya and ang bait.

Nang biglang... "Uhhmm hi sir. Pwede ko po bang malaman kung saan ang room ng 4th year section B?" WOW! Wait, siguraduhin ko lang. "Ah ikaw ba yung transferee ng 4th year?" "Ah opo." OMG!! Magkaklase kami. Matutuwa si Cesca nito. "Ahh.. Intramurals kasi ngayon until the end of the week." "Ah ganun po ba."

Ok. Chill ka lang Chris. Keep your head cool. "Ahh ako nga pala si Chris, Chris Santos. Isa ako sa mga 4th year section B students dito." Namumula ako ghad... sa lahat ng nakilala kong babae, sya lang nagpadama ng ganitong feeling sakin... "Hi. I'm Princess, Princess Santiago. Its nice to meet you." "Nice to meet you too."

Nagulat na lang ako ng biglang dumating sila Cesca, Samantha, at Christian. Nilapitan nila ako. "Morning pouts." "Good morning pouts." "Teka nga lang. Sino 'to Chris?" Grabe talaga 'to si Samantha. "Ay. Eto nga pala si Princess Santiago. Yung new student sa section natin."

"Oh really? Hi, I'm Francesca Dy but you can call me Cesca."
"Hi. I'm Nicole Samantha Perez, but you can call me Samantha if you want."
"At ako nga pala si Mark Christian Flores, but you can call me Christian. At ako ang magiging best man nyo ni Chris!!"
"Loko ka talaga Christian. Anyways uhm ok lang ba kung kaynila Cesca ka muna sumama? Magpapractice lang ako para sa parating na B-league." Namumula parin ako hahaha.. "Ok. Nice to meet you again Chris. See you later." Kinikilig ako hala hahahaha... "Ok. Bye. See you later."

Pumunta na ko sa gym para mag shooting. And as always, nanonood sila Cesca sakin, pero nagulat ako dahil kasama si Princess na nanonood. Anyways, nag shooting na ako.

Napansin ni Christian na lahat ng shot ko ay pumapasok at nakita nyang hindi nawawala yung ngiti sa mukha ko na unang beses nya lang nakita. Lumapit siya sa bench para tawagin ako. "Psst. Chris. Halika nga dito." "Ano yun? Nagpapractice ako eh." "Pinapasabi ni Cesca na official na barkada na natin si Princess." Oh my God!!! Yung ngiti ko labas gums! "Sige na sige na. Magpapractice pa ko. Opening game kami."

"Teka lang. May itatanong ako, seryosong tanong."
"Bilisan mo ano ba yun?" Curious lang masyado.
"Type mo ba si Princess???"

Napatigil ako. Nawala yung ngiti sa mukha ko pero napalitan ng pamumula. "Aminin mo na Chris. Gusto mo siya noh?" Naguguluhan ako ghad... "Nang makilala ko siya kanina iba yung pakiramdam ko. Nakita ko rin na mabait siya. Kaya kung tinatanong mo ako kung gusto ko si Princess? Siguro, ate, pwede, OO."

True Love, At Last (Mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon