Masayang masaya kami para kay Samantha dahil engaged na sila ni James. Handa na akong maging best man!! Hahahaha....
"So, mamaya na ba ang kasal? Tututol ako eh hahaha.." "Walang makakapigil samin, Christian!!" "Pabebe hahahaha..." "Di naman hahaha... pero seryoso, hindi na kami magpapapigil..." Makikisingit muna ako... "Ah samantha tawag ka ni James. May paguusapan daw kayo." "Ah sige."
Pumunta na si Samantha kay James. Habang ako, may napansin...
"Cesca nasan si Princess?" "Malelate daw siya nang dating kase may bisita sila." Ah... "Ah. Ganun ba. Sige sige."
Sinamahan na ni Cesca si Samantha at sinamahan ni Christian si James para sa pagtingin at pagsukat ng attire sa wedding. Ako naman ang sasama sa kanila bukas para sa wedding date. Habang ako, naghihintay parin sa mall dahil wala pa si Princess.
Tinext ko si Princess kung nasaan na siya. Sinabi niyang nasa bahay parin dahil bumisita ang mga kamag anak niya. Kaya pumunta na ako dun.
Naglakad na lang ako papunta sa kanila. Nang makarating ako sa isang madilim na kanto malapit sa bahay ni Princess, may biglang humatak sakin.
Nakita ko ang maraming lalaki na nakapaligid sakin. Binugbog ako. Hanggang sa makita ko si Kath sa likod ng mga lalaki.
"Ano Chris, masakit ba? Wala pa yan sa sakit na binigay mo sakin! Sige! Bugbugin niyo pa yan!!"
Binugbog ako ng binugbog hanggang sa di na ako makagalaw. Nagtapon naman ng basura si Princess sa labas at napnsin niya ako na duguang binubugbog. Tumakbo siya papunta sakin at tumakbo ang mga lalaki kasama si Kath dahil sa mga tanod.
Nagpatulong si Princess na papuntahin ako sa bahay nila para gamutin.
"Ma! Pa! Si Chris!"
"Anong nangyari kay Chris?"
"Binugbog po ng mga lalaki sa labas... at nakita ko rin po yung ex niya na galit na galit..."
"O siya. Gamutin na natin to. Princess, itext mo ang mommy ni Chris para pumunta dito."
"Ok po."Ginamot ako ng pamilya ni Princess habang si mama ay alalang alala sa tabi. Pagkagising ko kinabukasan, punong puno na ako ng band aid at bulak sa katawan. Habang si Princess naman, nakatulog sa tabi ko na nakapatong ang ulo sa akin.
BINABASA MO ANG
True Love, At Last (Mini-series)
RomanceHey guys! This is about the story of a guy who fall in love the second time. And for the first time, he gave his really best to show his love to the girl. I recommend to play the songs i've clipped for each chapter to have more fun in reading.. Enjo...