Nagulat ako. Pinakinggan niya si Cesca pero ako hindi. Iintindihin ko na lang.
"Totoo ba yung sinabi niya? O tinakot mo lang si Princess na ilayo ang sarili niya sakin para ikaw ang mahalin ko?" "Chris naman. Wag mong pagsalitaan ng ganyan si Cesca." "Chris. Totoo lahat ng yun. Sinabi ko sa kanya dahil kahit na alam mo na mahal kita, wala paring mababago. Mamahalin mo parin si Princess. Kinonsulta ko lahat ng kakilala ko. Kahit sila Samantha at Christian. At ang sabi nila, kung mahal talaga kita at nirerespeto kita, rerespetuhin ko rin yung desisyon mo at papakawalan kita." Wow.. kailan pa nagkaroon ng words of wisdom tong si Cesca? "Sabihin mo na ang totoo hanggat maaga pa." "Toto yung sinabi ni Princess. At totoo rin ang narinig mo. Papakawalan kita at hahayaan ko na kayong magmahalan ni Princess." Napatunganga ako. Hindi ko akalaing magiging ganun kabait at kasakripisyo si Cesca. "Mag ccr muna ako."
Pumasok ako sa cr. Kumalma at inisip bawat detalye ng mga sinabi nila sakin. Naisip ko na eto nga siguro ang tunay na pagkatao ni Cesca. Bumalik ako sa table at umupo.
"Cesca, pasensya na kung uminit masyado ang ulo ko sayo. Alam mo naman siguro kung gano ko kamahal si Princess at alam mo rin ang dahilan kung bat ako nagalit nang ganun sayo...."
"Oo. Naiintindihan ko. Pasensya na rin sa inyong dalawa kung medyo nagulo ko ang pagmamahalan niyo. Sana mapatawad niyo ko." "Si Princess ang magdedesisyon dyan." "Uhmmm.. sige. Oo. Pinapatawad ka na namin." Natuwa ng sobra si Cesca. Pero di pa siya tapos. "So, pouts.... can we still be like we are before? Can we still be bestfriends?" "Yah. Its fine with me. But Princess, please promise me na di ka magseselos pag magkalapit kami ni Cesca. Sana maintindihan mo na magkababata kami kaya ganito kami ka close sa isat isa." "Naiintindihan ko Chris. At alam mo namang may tiwala ako sayo kaya hahayaan kita. Pero paalala ko, HINDI PA TAYO."
BINABASA MO ANG
True Love, At Last (Mini-series)
RomanceHey guys! This is about the story of a guy who fall in love the second time. And for the first time, he gave his really best to show his love to the girl. I recommend to play the songs i've clipped for each chapter to have more fun in reading.. Enjo...