All of a Sudden

6 0 0
                                    

Nagising ako ng maaga kahit bakasyon.
Nag alarm ang clock ko: 5:30am. Ok
Magtetext muna ako kay Princess. "Good morning Princess. Sana nakatulog ka ng maayos at mahimbing kanina... Enjoy your day :) I love you..."

Simula nun hindi na ko nahiyang sabihin at ipadama kay Princess na mahal ko sya. Siguro dahil alam ko sa sarili ko na siya yung huling mamahalin ko at alam ko rin naman na mahal nya rin ako. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang patunayan ko na karapat dapat ako para sa kanya. "Good morning din sayo Chris."

Patuloy ko syang niligawan hanggang sa matapos ang natitirang araw ng bakasyon. Nakauwi na sila Cesca, Samantha at Christian mula sa kanilang pamamasyal. Nagyaya uli ako sa mall kung saan kami nakapag date ni Princess. At nagkita kita kami dun. Kasama pa ni Samantha si James.

"Ano? Musta mga bakasyon nyo? May pasok na bukas hahaha"
"Ok lang naman pre. Medyo bumait eh hahahaha" Si Christian babait? Talaga lang ha.
"Im fine already pouts. I already fixed the misunderstanding inside our family." Its nice to hear that.
"Ito na yata ang pinaka masayang bakasyon na nakuha ko sa buong buhay ko!!! Salamat sayo James..." "You're always welcome honey.." Yiiee.... kilig much...

"Eh ikaw Princess? Musta naman bakasyon mo?" Sayo lang ako curious eh.
"Masaya. Kasi may nagmahal uli sakin. At sana siya na nga yung matagal ko nang hinihintay..." Boom! Another unexpected thing happened! "Wow naman! Si Chris na ba yan? Nako hindi mo pagsisisihan na minahal mo si Chris." Christian naman. "SECRET. Sasabihin ko lang sa inyo kung naging kami o hindi." Wow... nakakatakot naman... "Ohh.... ok.." "So ano na guys? Anong gagawin natin?" Na OP ata si Cesca. "Can we watch a movie in the theater? I just want to spend the last day of vacation with Samantha..." Ugh... kakilig naman talaga itong si James. "Sige. Libre ko na si Cesca at si Princess." Naks! Galawang breezy tayo ahh!! "Eh paano ako pre? Lagi mo na lang akong kinakalimutan..." Nagdrama ang rich kid. "Ikaw nga laging nanlilibre satin diba? Kaya mo nang bayaran ticket mo." Hahahaha... "Sige na nga."

Nanood na kami ng sine. Nasa malapit na row sila James at Samantha. Si Christian naman, palipat lipat ng upuan kakahanap ng chicks sa sinehan. Si Cesca naman, katabi ni Princess sa kaliwa, at ako naman sa kanan. Napansin ata ni Princess na nakatulog si Cesca during the climax of the movie. She moved great when a coincidence happened; her head fell at my shoulders. Nakatulog sya bigla. Syempre nagulat ako... KINILIG DIN hahaha... and then I grabbed the opportunity. Na kahit hindi niya ako marinig, bumulong ako sa kanya.

"Alam mo Princess, takot na takot ako nung naglakas ako ng loob na sabihin ko sayong mahal kita. At 'di ko inakalang mahal mo rin pala ako kahit maikling panahon lang ang pinagsamahan natin. Hindi naman sa minamadali kita. Hindi ka rin naman siguro Pa-hard-to-get na babae... Pero I'm still going to make you feel that I will always love you and I will never ever leave you... I promise you that you'll never ever regret it kapag sinagot mo ako..." .... Tulog nga talaga... ang ganda siguro ng napapaginipan niya.... then all of a sudden, bigla siyang nagsalita: "You REALLY must."

True Love, At Last (Mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon