#Google

4 0 0
                                    

"Hi Chris. Aalis kami ng family ko mamaya pagkatapos ng dismissal. May reunion lang kami. Sinabihan lang kita kase baka yayain akong gumala eh. Sorry. Bye. See you later." Ito ang naabutan kong text pagkagising ko ng umaga. "Ah ok. Ingat na lang kayo mamaya. Bye. See you later."

Biglang tumakbo si Christian papunta sa amin. Sinabi niya sakin to: "Pare!! Sinuspend ng Dean ang pasok!!" Huh? "Bakit daw?" "Hindi ko alam eh. Baka may meeting yung buong school staffs and faculties." Siguro nga. "Ahh sige. Sabihan mo na rin sila Cesca at Samantha." "Sige."

Sa concern ko, ako na nagtext kay Princess.
"Uhh Princess... Sinuspend daw ng Dean ang pasok ngayon... sinabi ko lang para alam mo... para kung mapapaaga kayo ng alis, mas makapag enjoy ka :) I love you..."
Kumain na ko ng breakfast nang bigla siyang nagreply.
"Ahh ok. Salamat sa pag inform and salamat sa concern mo... bye..." Ok...

Pumunta kami nila Christian at Samantha sa bahay ni Cesca. Habang si James naman, sinabi sakin na maghahanda na siya ng surprise para kay Samantha. Ano kayang surprise yun?

Tumambay kami sa kwarto ni Cesca. Nag movie marathon kami. Si Christian, enjoy na enjoy sa panood. Si Samantha naman, kausap si James sa telepono. Habang kami ni Cesca, magkatabi. At dahil sobrang close kami ni Cesca simula dati pa, nasanay na syang sandalan ang balikat ko sa tuwing nandito ako sa bahay nila.

Nagising siya nang napatong ko ang ulo ko sa ulo niya dahil sa sobrang pagiisip ko. Romance kase ung pinapanood namin eh.
"Pare, kailan kaya kami magiging ganyan ni Princess?" Niyakap ako ni Cesca sa himbing ng tulog niya. "Ayy pare, pasensya ka na ha. Hindi ko kasi alam eh." Hahahahaha... "Loko loko ka talaga Christian." "Ah alam ko na! Search mo sa google, "Chris Santos and Princess Santiago sa tamang panahon" hahahaha..." "Loko ka talaga pre." Nang nagising si Cesca sa ingay namin. "Anong pinagtatawanan niyo?" "Ahh wala yun pouts. Magpahinga ka lang." "Ok..."

And so natapos ang movie marathon namin. Sinundo ni James si Samantha (as always), Naghanap nanaman ng chicks si Christian sa mall. Samantalang ako naman, naghintay sa bahay nila Princess hanggang sa makadatin sila.

True Love, At Last (Mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon