Bumangon ako sa kama ni Princess. Nang makaramdam siya, sumigaw siya.
"Ano ba Chris! Wag ka munang gumalaw galaw! Hindi mo pa kaya!"
"Hay. Ok po... sorry.."
"Ok ka lang ba? Nasaktan ka ba nang sobra? May masakit pa ba sayo?"
"Huy. Tama na. Ok na ako. Onting pahinga na lang to."
"Hindi. Teka lang. Ipagluluto kita ng lugaw."
"Ok... salamat.."Kitang kita ko lahat ng ginawa at ginagawa niya para sakin. Naisip ko na ganito siya kaconcern sa isang tao. Na ganito pala siya magmahal.
"Oh. Eto na ang lugaw mo. Humigop ka kahit konti. Magpalakas ka."
Inubos ko na yung lugaw. "Ang sarap naman ng lugaw mo.... salamat nga pala... maraming salamat...."
"Di mo na kailangang magpasalamat..."Dumating ang hapon pero di parin ako nakakagalaw nang maayos.. nang nakita kong nilapitan ni Princess si mama.
Pagkatapos nilang mag usap, nilapitan ako ni mama.
"Anak, dito ka na matulog ngayong gabi ha? Si Princess na ang bahalang mag alaga sayo." Nagulat ako.
"Ok ka lang ba sa bahay ma?"
"Ok lang ako dun. Wag mo na akong alalahanin. Basta magpalakas ka ha."
"Sige po. Mag iingat po kayo ma."
"Sige anak."Pinabangon ako ni Princess para kumain ng hapunan. At habang kumakain sila sa lamesa, tuwang tuwa silang tatlo. Pagkatapos ko kumain ay tinanong ko si Princess kung anong kinakatuwa nila.
"Wala yun, Chris. Sige na. Matulog ka na. Maghuhugas lang ako ng plato tapos matutulog na rin ako sa tabi mo."
"Ah sige. Good night Princess.."
"Good night Chris..."
BINABASA MO ANG
True Love, At Last (Mini-series)
RomanceHey guys! This is about the story of a guy who fall in love the second time. And for the first time, he gave his really best to show his love to the girl. I recommend to play the songs i've clipped for each chapter to have more fun in reading.. Enjo...