The Second Rise

3 0 0
                                    

Linggo. Magsisimba ako kaya maaga talaga ako gumising sa araw na to.
Sumigaw ako sa baba. "Ma, sasama ka ba sakin magsimba?" "Hindi anak. May ibang sasama sayo. Nandito na siya sa baba." Hay nako Christian. Ang kulit mo talaga. Makababa na nga.

"Hi Chris..." "Princess??? Bat ka napapunta dito?" Nakakagulat naman timing nito. "Yayayain sana kita lumabas... kaso magsisimba ka yata... tuwing hapon kasi ako nagsisimba kaya sasabayan na lang kita ngayong umaga." Ahh.. Ano kaya nakain nito at niyaya ako lumabas? "Sige. Magbibihis lang ako."

Nagsimba na kami. Medyo kinikilig ako kase sa portion ng Ama namin eh maghahawak ng kamay. Nang magtaas kami ng kamay, di pa namin dinudugtong. Dahan dahan lang.... Yiiiieee hahahahahaha....

Natapos na kami magsimba. Niyaya niya akong pumunta sa isang park na di masyadong sikat pero maganda.
"Dito ako nagpupunta dati sa tuwing malungkot ako. At ngayon, sinama kita dito para malabas mo lahat ng sama ng loob mo sa nanakit sayo." Salamat... maraming salamat... "Nakakainis ka!!!!! Wag ka nang bumalik sakin!!!!! Wag ka nang bumalik sa buhay ko!!!!! Wag mo na kong sasaktan ulit!!!!!!" Taksil talaga tong luha ko. Bigla biglang lumalabas...

Nalulungkot si Princess sa nangyari sakin. Kaya gumawa siya ng paraan para mapagaan ang loob ko. "Chris. Ganyan din ako dati. Kaya kita sinama dito para matapos na yang sakit na nararamdaman mo. Sana naman ay nakatulong ako kahit papano. Mahal na mahal kita Chris...." Ito ang nasabi niya sakin nang bigla niya kong........ NIYAKAP!!!!!! Hindi ako kinilig... Pero... "Salamat Princess..... Naaappreciate ko yung concern mo.... Mahal na mahal rin kita Princess....." Ito na ata yung pinaka sweet na nangyari sa panliligaw ko kay Princess.... Advantage na rin to... pero kailangan paring manligaw ng maayos...

Hinatid ko na si Princess sa harap ng bahay nila. "Salamat sa araw na to. Salamat rin sayo.." "Salamat rin, Chris. Sige na at baka gabihin ka masyado sa layo ng bahay niyo." "Sige. Bye."

Matatawag ko na rin sigurong effort yun para sa kanya. Salamat sa kanya, mas nagaganahan akong mahalin at ligawan siya.

"Ehem."
"Ay. Good evening ma."
"O musta naman ang date niyo ni Princess?" Si mama talaga hahaha...
"Ah ok lang naman po. Malungkot po nung una pero pinasaya naman po niya ako."
"Ah sige anak. Matulog ka na. May pasok ka pa bukas."
"Sige po ma. Good night."

True Love, At Last (Mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon