"Pamamanhikan"

7 0 0
                                    

11:30 na nang nakauwi ang pamilya ni Princess.

"Uh... hi Princess..." "Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka nila daddy..." Ayy.. Sorry na... "Anak, sino yang kasama mo?" "Ah, Dad this is Chris. Ang --" "Ang pinakamapagmahal na manliligaw ni Princess!!! Hahahahaha" Ano ba naman tong tito ni Princess. Lasing na masyado.

"Manliligaw????" Natakot ako sa Papa ni Princess. "Ah eh, Kasi po..." "Bat di mo sinasabi na may manliligaw ka? Pinaka una pa naman siya. Halika iho. Pasok ka." Hay nako. Kinabahan nanaman ako...

"So, kailan ka pa nanliligaw sa nag iisa kong anak?" "Ah eh... magdadalawang taon na po..."
"Ah ganun ba... Alam mo naman na malaki na ang anak ko. At pinayuhan ko na siya sakaling may manligaw sa kanya. Kaya kung nanliligaw ka, hahayaan kita. Ang anak ko ang tanging makakapagsabi kung tatanggapin ka niya o hindi." Wow!! May words of wisdom din si Tito... "Salamat po, tito..." "Papa na lang, Chris." "Ah... ok po. Salamat po, Pa."

Sinama ako ni Papa na maghapunan sa kanila bago ako pinauwi.

"Salamat po sa pag-imbita. Aalis na po ako."
"Bye Chris."
"Bye Princess...."

12:00 pa lang ay nakauwi na ko. At nakita kong nakatulog na si mama sa kakahintay sa akin.
"Tulog ka na ma. Bukas na lang tayo magusap..."

Natulog na ako.

Nagising si mama kinabukasan. Pinagluto ko na siya nang paborito niyang dinuguan.
"Good morning ma."
"Good morning anak. Bat napagabi ka nang uwi kagabi?"
"Eh kasi po pumunta po ako sa bahay nila Princess..."
"Aba anak. Hindi pa kayo pero namamanhikan ka na? Grabe ka anak ha."
"Hindi po ma. Hinintay ko lang po siya dahil may reunion sila ng umaga."
"Ah ganun ba."
"Opo ganun hahaha... kumain na po kayo ng makapagpahinga na po kayo sa taas... ako na po bahala dito sa bahay..."
"O sige anak."

True Love, At Last (Mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon