Inuman Sessions Vol. 3

2 0 0
                                    

Nakitambay muna ako sa isang tindahan. Gabing gabi na pero wala parin sila.
"Hoy bata. Uminom ka muna. Kanina ka pa nakatunganga diyan sa bahay na yan eh. Iniwan ka nun hahahaha!!!!" Ang lakas ng tawanan ng mga manong dito. Lasing na lasing na. "Ah pasensya na po. Hindi na po ako umiinom simula po nang naghiwalay kami ng una kong girlfriend." "Ahh ganun ba. Alam mo bata, kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya iiwan. Pero minsan, pag iniwanan ka, malalaman mong mahal ka parin niya pag binalikan ka niya." Oo nga noh. Naalala ko nanaman si Kath.

"Eh manong masama po ba na gawin niyo ang lahat para sa susunod mong mamahalin para po hindi ka na po masaktan uli? Masama po ba na isugal yung puso para sa isa pang puso?" Sorry ang layo ng tinanong ko sa sinabi nyo hehehe... "Pare i-shot mo na lang yan!!!" "Huwag nga pare. Hindi nga umiinom eh. Ako na lang iinom niyan." Salamat po kuya.

"Alam mo iho. Ganito lang yan. Nakikita ko na mature ka na para gawin at magdesisyon ka sa sarili mo. Pero kung tinatanong mo ko kung masamang gawin yung sinabi mo, bata hindi. Kase kung tunay na pagmamahal ang nararamdaman mo diyan kay Princess, susugal ka. Kase pag sinagot ka niya, worth it ang paghihirap mo. Pero kung hindi ka naman niya sinagot, kailangan mo ng tanggapin. Na its either kulang parin ang ginawa mo para mahalin ka ng sapat ng isang tao, o sadyang hindi siya ang taong para sayo." Teka lang ha. "Kilala niyo po si Princess?" "Oo iho. Isa ako sa mga tito niya. Hindi lang ako nakasama sa reunion na yun kasi di ako pinayagan ng boss ko na hindi pumasok ngayong araw." Ahh. Ganun ba.

"Kung hindi mo lang alam, si Princess ang nag-iisang anak ng mga magulang niya. Kaya siguro hanggang ngayon NBSB siya. Hindi naman sa mahigpit ang magulang niya. Pero hinihintay lang nila na dumating yung oras na nakakapag isip na ng maayos si Princess at kaya nang makapagdesisyon ng magisa." Ahh... ngayon ko lang nalaman yun ahh... "Alam mo iho. Boto ako sayo. Kahit na nanliligaw ka pa lang eh handa mo nang ipakita kaagad ang buong pagmamahal mo sa babae. Kung sagutin ka man niya, alagaan mo sya ha. Kung hindi, lahat kaming umiinom dito gugulpihin ka!!! Hahahahaha" "Hahahaha.. Salamat po sa suporta."

True Love, At Last (Mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon