Chapter 8: BOYFRIEND KO! WAIT LANG!
Here @ the park.
Arrrgggg! Magaalas syete na! Pero bakit wala parin ang babaeng yun? Niloloko nya ba ako?
Kainis! Kapag di sya dumating in 5 minutes aalis na talaga ako.
Pagkatapos ng limang minuto..
Wala pa rin sya…
“AAAHHHHH! Iniinis nya talaga ako! Sumusubra na siya!” inis na inis kong sabi habang nasasabunutan ko na ang mga buhok ko. Para akong baliw!
Eh pano ba naman? Pagkasabi na pagkasabi nya ng alas 6 ay dali2 talaga akong nag-ayos at pumunta dito. Tapos ito? Isang oras na akong naghihintay sa walang kwentang babaeng yun! Kaiinis talaga! Sinasayang nya ang oras ko! Mabuti pa umalis na ako dito baka kasi dumating siya bigla at ano pa ang masabi ko.
Ilalakad ko na sana ang mga paa ko papuntang kotse ko ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
“BOYFRIEND KO! WAIT LANG! WAG KA MUNANG UMALIS! NANDITO NA AKO!”
“Oh sh*t! Bakit pa siya dumating?” Sabi ko habang hindi pa siya nakakalapit sa akin.
“Aldrich, Sorry ha? Nahirapan kasi akong mamili ng susuotin kaya natagalan ako. Hindi ka naman siguro naghintay ng isang oras diba? Hehe. ^______^” Aba? Isang oras na kaya akong naghihintay dito? Arrggg! At talagang nagawa nya pang ngumiti! Nakakairita!
“Hindi ako naghintay ng isang oras? Tignan mo nga kung anong oras na? Atsaka tignan mo nga yang suot mo? ANg panget! Hindi bagay sayo! Mukha kang halimaw!” Pero sa totoo maganda siya bagay nga sa kanya ang damit nya. Pero kahit na! Naiinis pa rin ako sa kanya.
“Talaga? Arrggg! Kaiinis! Humanda talaga sa akin si Joanna. Sabi nya ang ganda2 ko na daw sa damit ko eh. Arrgg!” Oh? Nagalit? Hahahaha. Atsaka? Sino naman kaya ang tinutukoy nyang Joanna? Siguro katulong nya.
“Sana hindi kana nag-abalang magpaganda para sa akin. Dahil kahit ano pa ilagay mo sa sarili mo. Hinding-hindi ako magkakagusto sayo! Ang panget mo kaya!” Hahaha. Mukha siyang uto-uto sa mga sinabi ko. Pero totoo naman eh. Hindi ako magkakagusto sa kanya.
“Wow? As if talaga na nagpaganda ako para sayo nuh? Pasalamat ka nalang dahil kung hindi dahil sa akin edi sana hindi ka nagmukhang basura! Tignan mo nga kasi yang suot mo? Para kang nasa bahay lang. Ang ewan ng ng looks mo? CAMPUS HEARTHROB ka ba talaga.? Ha?” Aba? Iniinsulto ba ako ng babaeng to?
“FYI? Kahit ano pa tong suot ko. SA mata ng babae. Gwapo pa rin ako. Hahahaha. “
“TSSSK.. WHATEVER!” Hahaha. Bumigay din.
-------------------------
“Boyfriend? Ano ba ang masarap kainin? Icecream or Halo-halo?” Tanong nya habang nakaupo kami sa isang bench dito sa park. At guess what? Talagang nakakapit ang mga braso nya sa braso ko.
Nakakainis! Asa pa siya! Feeler! Eh pangalan nya nga hindi ko alam eh! Bakit ba ako pumayag na maging girlfriend ang halimaw nato?
“Ewan ko sayo.” Simpleng sagot ko.
“Ehhh.. Kainis ka naman eh! Sige na! sabihin mo na kung anong gusto mo?!” Ang kulit talaga!
“Icecream.. Oh ayan? Nakapili na ako? Masaya ka na?”
“Oo naman.. Sige bumili kana dun. ^________^”
“O_O? WHAAAATT? Anong sabi mo? Inuutasan mo akong bumili ng icecream? Ano ako? Tanga? Ikaw ang may gusto. Kaya ikaw ang bumili!” Hindi na talaga ako makakatiis na sumama sa babaeng to.
“Ehhh. Ikaw ang lalaki eh.. Syempre ikaw ang bibili. Alangan naman ako? Sorry ka nalang dahil babae ako. Kaya sa ayaw at sa gusto mo? Bilhan mo na ako dun. Kung ayaw mong masira ang buong buhay mo. WHahahahaha! (*evil laugh*)” Halimaw talaga !
“FINE!!!” Padabog akong umalis para bumili ng icecream.
Pagabalik ko, dala-dala ko na ang dalawang icecream, isa para sa kanya at isa naman para sa akin.
Tuwang-tuwa siya ng Makita nyang hawak2 ko na ang icecream.
Lumapit ako sa kanya at binigay ko sa kanya ang pinabibili nya sa akin.
Kinuha nya yung isang icecream kaso hindi pa siya nakuntento kaya pateh ang sa akin ay kinuha nya rin.
Siraulo talaga! Sige pagbigyan.
After ng ilang 1 minute naubos nya na yung icecream.
“Ahhhh.. ang sarap..Busog na ako. By the way, tnx sa treat mong icecream ha? Napasaya mo talaga ako. ^_____^” Bakit ba laging nakangiti ang babaeng to? Alam nya ba na naiirita ako?
“Ok.” Walang gana kong sabi. Eh kanina pa naman talaga kasi ako walang gana eh.
“Sige tara.. Alis na tayo.. sa restaurant naman tayo kumain. Gutom pa rin ako eh.”
Ano? Diba kasasabi nya lang na busog na siya? Talaga namang? Hindi ba siya pinapakain sa kanila?
(to be continued)
BINABASA MO ANG
"My Revenge become's Love."(ON HOLD)
Teen FictionSi Iris. Si Iris ang isang batang inosente at walang kamuwang-kamuwang sa mundo ay nagtransform bilang isang maganda at kaakit-akit na dalaga ng dahil sa isang lalaki na pinangalanang si Aldrich Villaflor. Aldrich is the reason why her family is bro...