“Dalawang taon na akong walang balita sa kanya. Wala kaming official break up. Basta ang alam ko lang bigla nalang siyang nawala. Ni hindi na siya nagpakita. Hindi ko nga alam kung anong nagawa ko. Kung bakit hindi na siya nagpakita. Marami akong mga katanungan na gustong itanong sa kanya. Gusto kong itanong kung bakit siya nawala. Kung bakit nya ako iniwan. Hanggang ngayon masakit pa rin. Marinig ko palang ang pangalan nya nasasaktan na kaagad ako. Iniwan nya ako na hindi ko alam kung anong rason.”
Sa mga narinig ko mula sa kanya.
Parang gusto ko siyang sigawan..
Ipagsigawan sa kanya..
Kung anong nangyari sa ate ko.
Gusto kong isigaw sa kanya..
Na siya ang dahilan kung bakit nawala ang ate ko.
Kung bakit iniwan siya ng ate ko.
Kung bakit wala na siyang balita dito.
Siya ang dahilan kung bakit naghihirap ang ate ko bago ito mawala.
Siya ang dahilan kung bakit gusto kong maghigante.
Dahil sa kanya..
Wala na akong ina at kapatid.
Galit na galit kong ikinimkim ang galit ko sa kanya.
Hindi pa ito ang tamang panahon para maghigante.
Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang lahat.
“Baka naman? Niloko mo yung babae kaya kanya iniwan?” Tanong ko dito pero biglang umiba ang ekspresyon ng mukha nito. Naging seryoso ang mukha nya.
“Wala akong ibang inibig, ni hindi nga ako tumitingin sa iba. Ni minsan hindi ko naisipang gunawa ng kalokohan na makakasakit sa kanya. Buong buhay ko, ang inisip ay yung makakapagpasaya sa kanya. Kaya nga hindi ko alam kung anong dahilan nya kung bakit nya ako iniwan. Wala akong kasalanan sa kanya. Wala akong ginawang masama. Mahal na mahal ko siya. Pero bakit nya ako… bakit nya ako.. iniwan.. Mahal nya.. mahal nya rin ba ako?”
Mula sa mukhang seryoso ay hindi ko inakalang magiging emosyonal siya.
Minahal nya ba talaga ang ate ko?
Kaya ganito nalang siya ka emosyonal?
Hindi na muli akong nagtanong dahil emosyonal na siya ang ginawa ko nalang ay niyakap ko siya para maipakita ang pagcomfort ko sa kanya.
“Ssshh.. Tahan na. “ Pagpapatahan ko.
Totoo ba to?
Si Aldrich Villaflor ay umiiyak?
Akala ko isa siyang taong bihirang umiyak.
Yung tipo ng taong nagpapaiyak ng mga babae.
Pero sino tong kasama ko?
Siya ba talaga to?
Habang yakap-yakap ko siya ay parang nanlalambot ako.
Bakit parang naaawa ako sa kanya?
Diba dapat magalit ako?
Diba dapat hindi ko siya niyakap?
Naramdaman kong humiwalay na siya sa pagyakap ko.
Nakita kong humarap siya sa akin.
At bigla siyang ngumiti.
Sabay sabing..
“Thank you.”
Bigla akong namula ng makita ko siyang ngumiti..
Bakit ako biglang namula?
Diba dapat hindi ako nagpapadala sa kagwapohan nya?
“Aahh.. Ano.. Ahh. Wala yun. Sigena.. Baba kana. Aalis na ako.”
Hindi ko alam ang sasabihin ko. At bigla ko nalang siyang pinagtutulakpalabas ng kotse ko.
“Sige. Mauna na ako. Till next time. ^_^” Sabi ko.
Uniti-unti ko ng isinara ang bintana ng sasakyan ko pero nakita kong iniharang nito ang kamay nito.
“Wait Iris.. Can you.. stay by my side.. Forever?”
BINABASA MO ANG
"My Revenge become's Love."(ON HOLD)
Подростковая литератураSi Iris. Si Iris ang isang batang inosente at walang kamuwang-kamuwang sa mundo ay nagtransform bilang isang maganda at kaakit-akit na dalaga ng dahil sa isang lalaki na pinangalanang si Aldrich Villaflor. Aldrich is the reason why her family is bro...