Chapter 16: BOY UTOT?

89 4 0
                                    

Chapter 16: BOY UTOT?

Paglingon nya sakto yung nguso ko gilang lumapat sa nguso nya.

Tapos nakita kong bigla siyang natigilan hindi pa rin siya humihiwalay sa pagkakadikit ng mga labi namin.

Anong nangyayari sa kanya?

Nahalikan ko na siya noon diba?

Tapos nagulat din siya.. Kaya ito? Hinalikan ko siya. Alam ko kasing matitigilan siya.

Ito na lang yung alam kong paraan para matalo ko siya.

Hindi nagtagal humiwalay na rin siya at iniiwas nya ang paningin nya sa akin.

Napaingin naman ako kay Manong na patuloy pa rin sa kakashoot.

Napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Aldrich kaso wala na siya.

"Kuya, sayo natong token. Alis na ako. Bye!"

Sabi ko tapos tumakbo na ako palabas ng timezone.

Nakita ko naman si Aldrich na palabas na ng mall.

"Hoy! Saan ka pupunta? Alam mo bang nanalo ako? Aldrich natalo kita! Hahahaha." sabi ko ng mahabol ko siya.

Ngunit tinignan nya lang ako tapos nagderederecho sa paglakad.

Anong problema nun?

Hindi ba siya masaya?

Babae na nga ang nanghahalik sa kanya.

Tapos may gana pa siyang magalit?

Bakla ba siya?

"Hoy! Aldrich! Saan ka pupunta?! Sama ako!!" Pahabol ko sa kanya.

Nasa labas na kami ngayon. At habol ko pa rin siya.

Ano bang problema nya?

Hindi man lang siya naawa sa akin!

Kanina pa ako habol ng habol sa kanya!

"Hoy, Aldrich! Stoy.. Hintayin mo naman ako." Ang bilis nya kasing maglakad.

"Bakit kaba sunod ng sunod? Nakakairita ka!" Aba? Ako pa ang nakakairita?

"Eh kasi nanalo ako! Kaya slave na kita ngayon." Sabi ko

Hindi pwedeng tatakasan nya nalang ako ng basta-basta nuh!

"Nanalo ka? Sinong nagsabi?"

"Ako. Atsaka hindi mo pa nga natapos yun eh. Kaya ako ang nanalo." Siyempre dapat ako.

""Madaya ka! Da ka na nga!" Sabi nya tapos binilisan pa yung paglalakad.

"Ah basta ako ang nanalo! At slave na kita ngayon." Pahabol ko sa kanya.

"Ano ba Aldich?! Tumigil ka nga muna?! Napapagod na ako alam mo ba yun?!" Reklamo ko. Nakakapagod kayang sunod ng sunod sa kanya.

"Napapagod ka? Edi wag mo akong sundan!"

"Kapag hindi ka tumigil sisigaw ako dito." seryoso kong sabi.

"Edi sumigaw ka." Sabi nya.

"Sabi mo eh. MGA KABABAYAN ALAM NYU BANJFGDJOSJDUONCHDOSCJFO"  bigla ba namang takpan yung bunganga ko?

Nakita kong napatingin sa akin yung mga tao na naglalakad a daan.

"Iris naman eh! Ano ba talagang kelangan mo?  Nanalo kana diba? Pwede bang hayaan mo muna ako? Hayaan mo muna akong mapag-isa." Sabi nya tapos nagwalkout na naman ulit.

"Sige hahayaan kitang mapag-isa. Pero pagbibigyan mo akong maging Slave kita ngayong araw. Tapos bukas hahayaan kitang mapag-isa. Pero pagkatapos ng bukas guguluhin na naman kita. Oh ano? Payag ka?"

"My Revenge become's Love."(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon