Chapter 11: "Simple lang dahil may ninakaw ka sa akin."

83 4 0
                                    

Chapter 11: “Simple lang dahil may ninakaw ka sa akin.”

IRIS POV

Nang mahalikan ko sya tumakbo na ako bigla at sinabing next time nalang kami maguusap.

Hahaha.. Kung nandoon lang kayo kanina. Talagang matatawa kayo. Hindi nya kasi expected na hahalikan ko siya eh. Nanlaki pa nga ang mga mata nya. Ang labo nya, eh diba dapat matuwa siya? Kasi hinalikan siya ng babae? Eh bakit bigla siyang nagalit? Ang labo nun.

“Iris, handa na ang haponan. Halika na. Sabay na tayong kumain.” Tawag sa akin ni Joanna.

“Ok, lalabas na.” Bumangon na ako at lumabas na ako ng kwarto ko.

Pagkalabas ko nakita ko na siyang kumakain.

Wow ha? Akala ko ba sabay kaming kakain?

“Hoy?Akala ko ba sabay tayo?  Eh ano yang ginagawa mo?” Nakakainis talaga tong si Joanna.

“Ahh, hehehe. Hindi ko na napigilan eh. Halika na. Umupo ka na dito sa tabi ko. Sumabay kana sa akin.”

Lumapit na ako sa kanya at umupo sa tabi nya.

Kukuha na sana ako ng kanin ng bigla nyang inagaw sa akin ang plato ng kanin.

Hayyy, patay gutom talaga ang babaeng to. Sige na nga pagbigyan na natin. Marami pa namang kanin eh.

Kukuha na rin sana ako ng ulam ng bigla nya namang inagaw muli yung plato ng adobo.

Shit! Kanina pa siya nanadya ha?

Kukuha na nga lang ako ng tubig.

Kukunin ko na sana yung pitsel ng bigla nya na naman ulit inagaw sa akin ang pitsel.

Hindi na talaga ako makatiis! Nananadya na siya!

“Joanna! Nanadya ka ba ha?! Kanina mo pa ako inaagawan ah?!” Nakasigaw na ako.

“Eh pasensya naman? Gutom na gutom na ako eh. Atsaka ako naman ang nagluto nito.” Sabi nya tapos sumubo na siya ng pagkain.

Siya ang nagluto? How dare she?

“Hoy!” Bigla ko siyang binatukan.

“Ano ba Iris! Kumakain ako eh!”

“Abat wala kanang galang ah?!! Sino ba ang amo mu ha? Diba ako?! At kung pagdamutan mo ako ng pagkain parang pera mo ang ginasta ah? Atsaka for your information! Katulong kalang dito! Kaya wala kang karapatang sigawan ako!” Sabi ko tapos kumuha ako ng Jacket sa likod ng pinto at lumabas ako ng condo. Iniwan ko yung lukaret kong katulong.

 Edi kainin nya ang niluto nya! Eh panget2 nya namang magluto. Kaso paborito ko yung adobo eh! Kainis talaga!

Pagkalabas ko ng building ay gumala ako sa labas.

Habang naglalakad ako sa daan ay may nadaanan akong streetfoods na binibenta. Puro isaw, dugo at iba pang laman ng manok yung binibenta nila.

At dahil nakita ko iyon ay parang na tempt akong kumain ng streetfoods.

Nakita kong maraming bumibili.

Masarap ba talaga ang mga streetfoods? Hindi pa kasi ako nakakatikim ng ganoong mga pagkain.

Napatingin ako sa mga taong kumakain at sa nakikita ko sa expression ng mukha nila na.. “ANG SHARAP-SHARAP!”

At dahil nga sa mga expression ng mukha nila ay natatakam akong bumili ng isaw.

“Manong, magkano po?” Tanong ko sa lalaking nagtitinda.

“2 pesos po.”

WHAT? 2 pesos? Ang mura-mura naman!

"My Revenge become's Love."(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon