Chapter 19:Walang Iris ang nageexist sa mundo!

93 4 0
                                    

Chapter 19:Walang Iris ang nageexist sa mundo! 

Iris Pov

"Hoy! Gising na! Umaga na! Ipaghanda mo na ako ng almusal."  Utos ko kay Joanna habang niyuyugyog ang balikat nya.

Kainis naman kasi eh!

"Ehh.. naman eh.. mamaya na." Ah ganun?

"Hoy! Naririnig mo ba yang sinasabi mo?! Alam mo bang pinahamak mo pa ako kagabi?! Bwisit ka talagang muchacha ka! Bumangon ka na dyan! Ipaghanda mo ako ng makakain!"

'Mamaya na sabi eh.. Ang sakit pa ng ulo ko. Mamaya na." Ginagalit nya talaga ako.

"Kung hindi ka sana nagpakalasing! Edi sana maaga kang nagising at naipagluto mo ako ng almusal!  Kung hindi ka sana nagpakalasing! Edi sana! Hindi ako napahamak kagab.e! Bumangon ka na dyan kung ayaw mong kaladkarin kita papuntang kusina!" Sabi ko tapos malakas na isinara ang pinto palabas ng kwarto nya.

Tumungo ako sa sala at nanood ng Favorite kong movies.

Tuwing weekends at kapag feel kong bored ako ay lagi ko itong pinapanood. Kahit paulit-ulit ko itong panoorin hindi pa rin ako nagsasawa.

"Ding dong. Ding dong. Ding dong."

Sino naman kaya yun?

"Muchacha, Tignan mo nga kung sinong bastardo ang sumisira ng doorbell natin." Mahinahon kong utos.

"Ding dong. Ding dong. Ding dong."

Anak ng?! Si Joanna nasan?!

"JOANNA!!! BUMANGON KA NA NGA DYAN! TIGNAN MO KUNG SINO ANG WALANGHIYANG NAMBUBULABOG SA PANONOOD KO! PATAYIN MO NA RIN! PARA TUMAHIMIK."

"Kainis naman." nagdadabog siyang lumabas ng kwarto.

"Tignan mo kung sino ang nasa labas."Utos ko.

"Tss, pinapanood mo na naman yan? Hindi ka pa ba nagsasawa?"

"Pakialam mo ba? Sige na tignan mo na kung sino ang nasa labas tapos patayin mo para tumahimik."

"Tss."

Padabog siyang umalis upang tignan kung sino ang nasa labas.

"Oh sinong bastos ang nagdodoorbell sa labas? Napatay mo ba" Tanong ko ng bumalik siya ngunit imbis na sagutin ako ay bigla nya na lang akong nilagpasana patungong kusina.

Anong problema nun?

"Seriously? Nanonood ka nyan?" Bigla akong napalingon sa lalaking kapapasok lang ng pad ko..

"JOANNA! Diba sabi ko?! Patayin mo?! Eh bakit nandito yan?! Bakit nakapasok yan?!" kainis ang Aldrich nato! Walanghiya!

"Hahaha. Ibang klase! Tama nga ako. Baliw kana. Gusto mo akong ipapatay para makapanood ka nyan? Grabeh ka."

"Ang sabihin mo?!Pasalamat ka! Dahil hindi ako ang bumukas ng pinto! Kundi malamig na bangkay kana kanina pa!"bwisit talaga

"Hahaha. Galit ka na nyan? Pero seriously? Pinapanood mo yan?"

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?Mukha bang joke lang tong ginagawa ko? Alam mo Aldrich,Ok lang namang sabihin mo na naiinggit ka eh. Hindi naman ako madamot, kung gusto mong manood? Pwede kang manood dito. Bigyan pa kita ng libreng popcorn."

"Ako? Manonood nyan? Eh pambata yan eh. " eh bata naman talaga ako.

Kainis, ano bang pinunta nya dito? Pumunta lang ba siya dito para insultuhin ang panonood ko ng Dora the Explorer?

"Ano ba talagang pinunta mo dito?" Tanong ko habang nanonood ng Dora.

"Ikaw."

"Tinatanong ko kung ano. Hindi sino?! Tanga."

"Ding dong. Ding dong. Ding dong. Ding dong."

Sino naman kaya yun?

"Joanna! Tingnan mo nga kung sino yang isa pang sumisira ng doorbell?! This time patayin mo na! Nakuha mo?!  "

---------

JOANNA's POV

 (A/N: Si Joanna po nasa side.--------------------->>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>)

"Joanna! Tingnan mo nga kung sino yang isa pang sumisira ng doorbell?! This time patayin mo na! Nakuha mo?!  "

"Joanna, tingnan mo nga kung sino? Bwist! Akala mo kung sino! " tapos ano? Ipapapatay nya sa akin ang nagdodoorbell? Ano akala nya sa akin? Criminal?

"Ano yun? May sinasabi ka?"

"Ang sabi ko, bruha ka! Mamatay kana!" Gusto kong sabihin kaso wala akong lakas ng loob. Kakaiba pa naman magalit ang baliw na babaeng yan.

"Wala." Sabi ko tapos nagdadabog na pumunta sa pinto.

Sinilip ko sa maliit na butas ng pinto kung sino ang nagdodoorbell.

Parang bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng makita ang isang hulog ng langit na nakatayo sa tapat ng mismong pinto ng condo namin.

Dali-dali ko itong binuksan at masiglang binati ang lalaking sa tingin ko ay siya na.

Siya na ang lalaking mamahalin at makakasama ko habang buhay.

"Yes?What can I do for you?"

"Ah.. Sorry.. Naliligaw ata ako. Pasensya na."

"NO! I mean..Hindi ka naliligaw. Tama ka ng pinuntahan. Tamang nagdoorbell ka sa pintuan namin. At tama ang ipinunta mo dito dahil nandito ang right girl for you."

"Talaga? Nandyan ba si Iris?" What?! Si Iris na naman?

Bakit siya nalang palagi?!

Bakit siya nalang palaging maganda?

Bakit siya nalang palaging bida sa mga boys?!

Maganda naman ako ah?

Hindi porket muchacha lang ako ng bruhang yun!

Panget na kaagad ako!

For your information maganda ako. Period.

"Anong pangalan mo?" Walang gana kong tanong.

Nakakawalang gana kung si Iris rin lang naman ang hinahanap.

"I'm Gian Villamonte." Nakangiti nyang sabi.

Gosh?! Bakit ang gwapo nya?

No Joanna! Wag kang magpadala sa kagwapohan ng lalaking yan!

Tandaan mo?! Si Iris ang hinahanap ng lalaking yan. Hindi ikaw.

"Gian, para sa kaalaman mo. Walang Iris ang nakatira dito. Walang Iris ang nageexist sa mundo! Kaya umalis kana!" Pagtataboy ko sa kanya kaso huli na.

Hindi ko alam na lalabas pala si Iris kasama si Adrich.

"Joanna? Anong pinagsasabi mo? Walang Iris na nageexist sa mundo?" -Iris.

"Ahh.. Ehh.. Kasi ano. Kasi a-"

Hindi ko na naituloy ang pagsasalita ng bigla nalang lumapit si Iris kay Gian at sunud-sunod itong tinanong.

"Ikaw na naman?! Pano mo nalamang dito ako nakatira?!Diba sabi ko sayo?! Niloloko kalang ng babaeng yun?! Eh bakit ayaw mo pa ring maniwala ha?!" sunud-sunod nyang tanong.

“Hoy? Sino yan?” Tanong naman ni Aldrich kay Iris na parang nagtatagis ang mga bagang.

“Ewan ko. Tara na nga.” Masungit na sabi ni Iris tapos hinila na paalis si Aldrich.

Saan naman kaya sila pupunta?

“Babe!”

"My Revenge become's Love."(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon