Chapter 25:CRAP!

47 3 0
                                    

ALDRICH POV

“Wait Iris.. Can you.. stay by my side.. Forever?”

Teka sinabi ko ba talaga iyon?

I wonder kung ano na ba ang iniisip ni Iris ngayon.

Iniisip nya rin kaya ang sinabi ko sa kanya kanina?

Nandito ako ngayon sa bahay at hindi makatulog.

Hindi ko nga alam kung bakit nasabi ko ang mga salitang iyon sa kanya.

Nagugustuhan ko na ba si Iris?

Para sa akin parang wala naman dapat akong ikagusto sa kanya.

Katulad din siya sa mga babaeng naghahabol sa akin.

Hindi ko nga alam kung anong intensyon nya kung bakit gusto nya akong maging boyfriend.

Pero parang may kakaiba sa kanya eh.

Parang nakikita ko sa kanya si Alice.

Handa na ba akong magmahal muli?

Handa ko na bang ibigay ang pagibig ko kay Iris?

Pero papano si Alice?

Kakalimutan ko na ba siya?

Oo..

Sobrang masakit sa akin ang katotohanan na iniwan nya ako.

Pero siya pa rin kasi itong laman ng puso ko eh.

Pinangako ko kasi sa sarili ko..

Na hangga't hindi ko nalalaman ang rason kung bakit nya ako iniwan ay hindi ko siya kakalimutan.

I still have hope.

Umaasa ako na balang araw darating siya at sasabihin sa akin ang dahilan.

Ang dahilan kung bakita nya ako iniwan.

Kaya ito..

Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko.

hindi pwedeng umibig ako sa iba.

-----------------

IRIS POV

Maaga akong nagising para pumasok sa paaralan.

Bubuksan ko na ang pinto palabas ng kwarto ko.

Pinihit ko ang doorknob

Pero parang nakaramdam ako na may pumipigil.

Parang may pumipihit din sa labas ng doorknob.

"Sh*t JHOANNA!! IKAW BA YAN??!!" sigaw ko sa loob.

Ngunit walang Jhoanna ang sumasagot. Kaya kinabahan na ako.

Biglang tumigil ang pagpigil ng pagpihit sa doorknob.

Kumuha ako ng walis tambo para incase na magnanakaw ang pumasok mapapalo ko kaagad.

Unti-unti kong binuksan ang pinto habang habang nakaakma na akong papalo.

Bubuksan ko na..

Ito na..

Pagbukas ko ay nakarinig akong ng isang sigaw.

Muntik ko na sana itong maipalo.

Nang makita ko si Jhoanna na sumisigaw.

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!"

"CRAP! JHOANNA?!! Akala ko kung sino  na! Ano ba kasi ang ginagawa mo sa tapat ng pinto ng kwarto ko?! At bakit hindi ka man lang sumasagot?!!" Inis kong sabi sa kanya.

"My Revenge become's Love."(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon