Chapter 22:“Gagawa ng baby. Bakit? Sama ka?”
Pagkatapos kong gumawa ng antidote ay umalis na rin ako.
15 bottles ang ginawa ko para hindi dali-daling maubos.
Pauwi na ako ng biglang magring ang phone ko.
Tinignan ko kung sino.
Unknown number ang nakalagay.
Sino naman kaya to?
Pinarada ko muna ang sasakyan sa tapat ng isang 7/11 at sinagot ang tawag.
“Hello? Sino to?”
(“Hindi mo ako kilala?”)
“Natural? Magtatanong ba ako kung kilala kita. Pero teka? Pamilyar yung nakakainis mong boses. Don’t tell m-“
(“Gian.. Ako nga si Gian.”)
“Sabi ko na nga ba eh. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses mo palang nakakainis na eh. Anong kelangan mo?”
Bakit ba napatawag ang taong to?
Atsaka pano nya nakuha ang number ko?
(“Meron sana akong ipapakita sayo. At tyak! Hindi mo magugustuhan ang makikita mo. Sige I’ll send you the address. Kelangan mong pumunta d-“ )
Habang nagsasalita siya ay bigla akong napatingin sa labas at hindi ko inaasahang..
Malaman kung ano ang gusto nyang ipakita sa akin.
“Sige punta ako dyan.”
Hindi ko na siya pinatapos at lumabas na ako ng sasakyan.
Dahil nakita ko na si Aldrich sa katabi ng 7/11 sa labas ng isang icecream store.
Nakita ko si Aldrich na may kasamang ibang babae.
Wala naman sa akin na may kasama syang iba eh.
Hindi naman kasi kami magsyota for real. Where just a fake lovers. Pumayag lang din siya na maging fake boyfriend and girlfriend kami dahil blinock mail ko nga sya.
Lumapit ako kay Gian na kasalukuyang pinapanood ang ginagawa ng dalawa.
Umupo ako sa tabi nya at nakinood din ako sa ginagawa ni Aldrich.
Aba ang G*go! Nagawa pang makipagyakapan at makipagsweetan sa babae!
Ganito ba talaga ang mga ginagawa ng mga g*gong katulad ni Aldrich? Ang makipagharutan sa mga babaeng napulot lang kahit saan?
“Oh ano? Papanoorin mo nalang ba ang lalaking yan? Hindi kaba nasasaktan sa ginagawa ng lalaking yan?” Saad ni Gian habang pareho kaming nakatingin kina Aldrich.
“Ako masasaktan? Eh hindi ko nga mahal ang g*gong yan eh!” Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero nanaili nalang akong tahimik.
“Mahal mo ba si Aldrich? Papayag ka nalang bang maagaw ng babaeng yan ang boyfriend mo?” Saad ulit nito but still tahimik parin akong nanonood sa ginagawa ng dalawa.
Nung una at ikalawa hindi ako nagsalita.
Pero ng sabihin ni Gian ang ganito..
“Pano kung may makakita sa kanya na ka schoolmate nyu at ipagkalat ang nakita nyang panloloko sayo ni Aldrich sa school nyu? Kapag nangyari yun pateh ikaw madadamay at ang kirida ng boyfriend mo. Pag nangyari yun masi-“
“Masisira ang matagal ko ng pinaplano.”
Nagkaroon kaagad ako ng ideya o rason para ilayo si Aldrich sa babaeng kaharutan nya.
BINABASA MO ANG
"My Revenge become's Love."(ON HOLD)
Teen FictionSi Iris. Si Iris ang isang batang inosente at walang kamuwang-kamuwang sa mundo ay nagtransform bilang isang maganda at kaakit-akit na dalaga ng dahil sa isang lalaki na pinangalanang si Aldrich Villaflor. Aldrich is the reason why her family is bro...