Chapter Chapter 2: "Gurl! Sampalin mo siya! Para mo nang awa..

195 4 0
                                    

Chapter 2: “Gurl! Sampalin mo siya! Para mo nang awa habang nagpipigil pa ako.”

Nagsisitilian ang lahat ng dumaan si Aldrich sa hallway.

Pero biglang natuon ang attensyon ko sa isang babae. Isang babae na sa pagkakaalam ko ay siya ang bagong transfery sa school nato.

Ano kayang ginagawa nya? Bakit nasa gitna pa rin siya ng daan? Hindi nya ba alam na daan sina Aldrich sa hallway?

“ Hoy! Umalis ka diyan sa daan! Wag ka diyang humarang! Papalapit na ang mga CAMPUS HEARTHROB!”

Narinig kong sabi ng isang babae na sa nakikita ay patay na patay kina Aldrich.

Hahahaha! Nakakatawa siya! Haha, dinedma nya lang ang sabi ng babae? Gravih? Idol ko na siya!

“Iris? Nakikita mo ba yang babae? Parang walang kinatatakutan.” Sabi sa akin ni Joanna na nanood din.

“HOOOOY! WALA KA BANG BALAK NA PADAANIN KAMI? UMALIS KA DIYAN SA DAAN!” sabi ng mukhang babaerong kasama nila.

“AHH, EHH.. HHHAAA?” Sagot naman ng babae.

“ANO BA? BINGI KA BA? UMALIS KA DIYAN SA DAAN.”Gravih! Ang sungit! Kung ako sa babaeng yun? Kanina ko pa sinapak ang lalaking yan. Hindi man lang marunong rumespeto sa babae.

“Hey bro? Relax ka lang ok? Ang aga-aga highblood kana kaagad. Ako nang bahala sa chicks nato.” Aba? Nagsalita na si Aldrich. Atsaka? Siya na daw bahala? Sa ano? Chicks ba ang narinig ko? BABAERO!

“Hey miss? Do you have a free time today? If not, can you just go out w/ me tonight? Let’s make some fun tonight?”ALDRICH! HUMANDA KA! SASAPAKIN TALAGA KITA!

“ Ha? Let’s make some fun?  tonight? ” Ulit pa ng babae. Kung ako sayo wag kang sumama. Baka mamatay Karin kagaya ng kapatid ko.

“Yes? I mean let’s make out...” HUUUUWAAAAAT!? AKALAIN NYU! MAPAGLARO TALAGA SA MGA BABAE!

“Gurl! Sampalin mo siya! Para mo nang awa habang nagpipigil pa ako.” Mahina kong sabi.

“Ha? May sinasabi ka ba Iris?” Nagtatakang tanong ni Joanna.

“Ha? Ako? May sinasabi b….” Hindi ko na naituloy ng biglang…

*SLAAAAAP*

Nagulat ako ng marinig ang sampal na tumama sa mukha ni Aldrich..

“OH MY! SINAMPAL NYA SI PRINCE ALDRICH!” Narinig kong sigawan ng mga tao na nanonood sa eksena.

“ make outin mo yung mukha mo!” galit nyang sabi kay Aldrich

 “ Hey! Why do you do that” Haha. Dapat lang yan sayo! 

 “WHY? Kasi DEKSYONARYO YANG MUKHA MO! Ang KAPALKAPAL kasi ”Tama ka gurl! Sang ayon ako sayo!

 “Oi, guys! DEKSYONARYO DAW ? hahaha eh kung bugbugin kita dyan ?” Wow? Pumapatol siya sa babae? Bakla naman pala eh.

“Hahaha. Bilib ako sa babaeng yan. Akalain mo? Naiganti ka nya ng sampal kay Aldrich?” Tumatawang sabi ni Joanna.

“Eh kung wasakin ko yang pagmumukha mo, para naman sa wakas mabawas-bawasan yang pagkakapal ng mukha mo!” Haha. Wala talaga siyang kinatatakutan.

“ Hoy! Basahan ka! Basura! Scrap at iba pang mga nakakalat sa daan!..”Oh? Sino naman siya? Siya ba ang leader ng mga basurang Campus Hearthrobs? 

“Kung basahan ako? Eh ano ka? Isang lalaking may ALMURANAS sa pwet? EEEEEWWWW? Kadiri ka!”

“Hahahahahaha! Iris! Umalis na tayo dito. Ang sakit na ng tyan ko sa kakatawa. Hahahaa.” Tuwang-tuwang sabi nya.

At talagang nagulat sila.

May nagtanggol pa sa kanila. Pero sa huli? Taub din pala ang lalaki napahiya pa siya sa karamihan kawawa naman.

--------------------------

“Iris, mauna na ako sayo ha? Papasok na ko. Sige.. Bye.” Nauna na si Joanna sa akin. 3rd year student din siya kaso section A ako at siya naman ay section B. Hindi kami magkaklase.

Bago ako tumungo sa room ay hinanap ko muna si Bestpren Chloe.

Asan na ba siya?

Naglakad-lakad ako para hanapin siya at mabuti nalang ay nakita ko na siya.

Nakita ko siyang may tinitignan at parang hindi siya makapaniwala sa kanya nakita.

Nakita rin mismo ng dalawang mga mata ko si Justin na may ka holding hands na ibang babae. Si Justin na ultimate crush ng kapatid ko.

Nakita kong pano madurog ang puso ng kapatid ng makitang may ka holding hands ang crush nya.

Nagulat ako ng bigla na lang tumakbo si Chloe.

Hinabol ko siya sabay tawag ng pangalan nya.

“Chloe! Chloe!” Paulit-ulit kong sigaw. Pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo.

“Chloe! Oy! Bakit ka tumatakbo! Hintayin mo ako.” Kahit nakita ko ang pangyayari ay magbubulag-bulagan nalang ako.

Alam kong nasasaktan siya pero wala akong magawa.

Nang malaman ko sa ama ko na may kapatid ako ay ginamit ko na ang opportunity na makipagkilala at makipagkaibigan kay Chloe kahit hindi pa nito alam na magkapatid kami.

Seeing her like that ay nadudurog din ang puso ko.

Ayoko nang maulit ang past. Ayoko na pati siya mawala rin kagaya ng pagkawala ng Ate ko dahil lang sa isang lalaki. Kaya habang may panahon pa, poprotektahan ko na ang kapatid ko sa anumang bagay na makakasakit sa kanya.

"My Revenge become's Love."(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon