ALDRICH POV
Ilang araw ko nang hindi nakakausap si Iris..
Tuwing magkakasalubong kami, umiiwas siya kaagad.
Ni hindi nga sya makatingin sa akin eh.
Ilang araw na rin nya akong iniiwasan.
Aminin ko man o hindi..
Pero apektado ako sa ikinikilos nya..
May gusto na ata talaga ako sa kanya eh.
Ngayon alam ko na kung ano talaga ang nararamdaman nya para sa akin.
Kasi hindi naman siya kikilos ng ganyan kung hindi nya ako mahal diba?
Umiiwas siya sa akin dahil hindi ko nasabi sa kanya ang nararamdaman ko.
Alam kong mahal nya ako..
Napangiti ako ng lihim sa mga naiisip ko.
"OH MY GOSH ALDRICH? Totoo ba to?" Gulat na gulat na sabi ni Fiona.
Nandito kami ngayon sa foodcourt ng school magkasama kaming dalawa ni Fiona.
Simula ng magkalabuan kami ni Iris ay si Fiona na ang kasama ko.
Bihira ko na ring makasama ang mga kaibigan ko.
Buntot ng buntot kasi si Fiona.
Parang linta..
Dikit ng dikit sa akin.
"Ang alin?" Takang tanong ko.
Nakatingin kasi siya sa phone nya.
Hindi ko nga alam kung anong napanood nya at ganun nalang siya ka shock.
"For sure hindi ka maniniwala dito. Sabihin mo sa aking hindi ikaw yan." Sabi nya sabay abot sa akin ng phone nya.
"Ano ba to?"
Tumingin ako sa phone..
Confuse na pinanood ko ang gustong ipanood sa akin ni Fiona.
Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ang lamanng video..
Pano nangyari to?
Magagawa ba to ni Iris?
Ganito ba siya kagalit sa akin kaya nya ikinalat ang video ko na nangungulangot?
Oo
Nagkakalabuan na kami..
pero seryoso?
Magagawa ba talaga sa akin ni Iris to?
"Now tell me? Hindi ikaw yan diba?" Tanong pa nito sa akin.
Ngunit hindi ako makasagot.
Ano ng gagawin ko?
"Aldrich? Bakit hindi ka makasalita?"
"Fiona? Pwede ba? Wag mo akong tanungin tungkol dyan." Nakakainis naman eh!
Obvious naman na ako!
Bakit ayaw nya pang maniwala?!!
"So totoo nga?!"
"OO! AK-"
Bigla akong napatigil ng mahagip ng dalawang mata ko ang dalawang tao na nagtatawanang papasok ng foodcourt.
Masaya silang pareho..
At dun ay nakaramdam ako ng kirot..
ang sakit pala nuh?
Masakit pala ang feeling kapag nakita mo yung taong mahal mo na masaya sa piling ng iba.
Bigla namang napatigil silang dalawa ng makita nila ako.
Pero agad din naman akong iniwasan ni Iris.
Nilagpasan nya lang ako.
Pero bago pa siya makalayo ay hinigit ko na kaagad ang kamay nya.
Hinila ko siya palabas ng foodcourt.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pumapala na sabi nito.
Nang makalabas kami sa foodcourt ay dun ko na siya binitawan.
"Ano bang nangyayari sayo ha?! Bakit mo ako dinala dito?!!"
"Iris.."
"Ano?! Sabihin mo na ang gusto mo!! Pakidalian lang ha?!! Gutom na gutom na kasi ako atsaka hinihintay ako ng kasama ko!" Mataray nyang sabi.
"Iris.. bakit mo nagawa sa akin to?"
"Ang alin?" Nagtatakang tanong nya.
"Bakit mo nagawang ipagkalat ang video ko? Diba matagal na yun? Akala ko nga nabura mo na yun eh. Ganito ka ba talaga kagalit sa akin? Ano bang nagawa kong mali? Mali bang sabihin ang totoo kong nararamd-"
hindi ko na naituloy dahil bigla siyang nagsalita.
"Teka? Anong pinagsasabi mo?! Pinagbibintangan mo ako na ako ang nagkalat ng video mo?!! Oo! Iniiwasan kita! Galit ako sayo! Pero hindi ko magagawang ipagkalat ang video mo!" maluha-luha nyang sabi at aakmang aalis na sana siya pero bigla ko siyang pinigilan at mabilis na niyakap.
Wala akong pakialam kung pagtinginan man kami ng karamihan..
Basta para sa akin..
Mayakap ko lang si Iris..
Buo na ang araw ko.
"I miss you so much Iris." Sabi ko habang yakap-yakap ko siya.
"I.. I m-" hindi nya naituloy ang sasabihin ng biglang..
*BOOOOOOOOGGGGSSSSSH!*
Napabitaw ako ng yakap sa kanya ng biglaan akong sinuntok ng ugok na lalaking kasama nya.
"Stay away from my girlfriend!" Sabi nito at hinila si Iris papasok ng foodcourt.
Diba dapat ako ang nagsasabi nyan?
Diba dapat ako sumuntok sa lalaking yun?
At girlfriend?
Girlfriend nya si Iris?
Kahit kailan wala kaming official break up ni Iris!
Kaya hanggang ngayon!
May karapatan pa rin ako sa kanya!
Oo..
Mahal ko si Alice.
Pero hindi habang buhay na pipilitin ko ang sarili na pigilan ang nararamdaman para kay Iris.
Siguro..
Siguro kelangan ko ng sumuko..
Kailangan ko ng isuko ang pag-asang balang araw babalikan nya ako.
Ayoko ng isuko si Iris..
ayoko ng balewalain ang nararamdaman ko para sa kanya.
Ayokong balang araw magsisi ako dahil pinakawalan ko siya ng dahil lang sa isang babae na wala ng pakialam sa akin.
BINABASA MO ANG
"My Revenge become's Love."(ON HOLD)
Fiksi RemajaSi Iris. Si Iris ang isang batang inosente at walang kamuwang-kamuwang sa mundo ay nagtransform bilang isang maganda at kaakit-akit na dalaga ng dahil sa isang lalaki na pinangalanang si Aldrich Villaflor. Aldrich is the reason why her family is bro...