"Girl, kita mo yun?" turo sa akin ni Angel.
"San?" Takang tanong ko.
Kasalukuyan kasi kaming naglalakad sa hallway papuntang classroom at bigla nalang siyang tumigil at may tinuro sa akin.
"Si Aldrich! Yun oh?! Kala ko ba boyfriend mo yun? Eh bakit iba yata ang kasama nun?" Nagtatakang tanong nya.
Tinignan ko naman kung si Aldrich nga.
Tama siya..
Si Aldrich nga..
At kasama nya..
Kasama nya ang palakang si Fiona.
Bakit kasama nya si Fiona?
Para san yung sinabi nya sa akin na "can you stay by my side forever?"
Kahit kailan..
Babaero talaga ang Aldrich na yan.
Manloloko!
Walang isang salita!
Pinagloloko nya lang ata ako kahapon eh!
Makapaghigante nga.
"Hey Iris! Anong gagawin mo?! oy! Iris naman eh!" Rinig ko pang pagpigil sa akin ni Angel pero huli na siya dahil nakalapit na ako kina Aldrich.
Nasa harap na ako nina Aldrich.
Nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha nilang dalawa.
"Aldrich? Bakit kasama mo yang mukhang palakang yan? Anong ginagawa nya dito?" Tanong ko dito.
"Hindi mo alam?" Singit naman ni palaka.
"Magtatanong ba ako kung alam ko? Atsaka bakit ka nakikisingit? Eh hindi naman ikaw ang kausap ko!" Mataray na sabi ko dito.
"hahaha, mukhang hindi mo pa talaga alam. Nakikita mo ba to? Ang ganda diba?" Proud na proud nyang sabi habang pinapakita nya yung daliri nya na may sing-sing.
"Ano namang pakialam ko dyan? Eh halata namang made in china yan eh! Kung ako sayo? Wag mong masyadong e-expose yan? Maraming snacher dito, baka pati daliri mong yang masama sa pagnakaw. "
"Alam mo? Hindi kana nakakatawa. Sige dederetsohin na kita. Aldrich and I are engage. Kaya nga ipinapakita ko sayo to diba?" Sabi nya sabay pakita sa kamay ni Aldrich na may nakasuot na kapareho nyang sing-sing.
Naalala ko.
Ang sing-sing..
Naalala kong tuwing magkasama kami lagi siyang may suot na sing-sing.
Nagsasabi ba ng totoo ang palakang to?
Napatingin ako kay Aldrich kaso hindi siya makatingin sa akin.
"Hahahahaa!! HAHAAHAAHAHA!!! Hahahahaha!! HAHAHAHAHA!!" Loud and soft kong tawa.
"Anong nakakatawa?"Takang tanong ni Fiona.
"Ang mukha mo kasi hindi kapani-paniwala. Hindi ko alam kung nagsasabi kaba ng totoo o nagsisinungaling ka lang. Pero kahit anong sabihin mo. Hindi ako maniniwala. Unless si Aldrich na ang nagsabi sa akin nun. Halika na Aldrich."Sabi ko at hinila na si Aldrich palayo sa kanya.
Hinila ko siya hanggang sa rooftop.
Ito lang kasi ang place na alam na safe kami dito.
"Aldrich? Bakit mo ba dinala ang babaeng yan dito?"
Tanong ko sa kanya kaso hindi siya nagsasalita at nakatingin pa rin siya sa ilalim.
Ganito nalang ba kami?
BINABASA MO ANG
"My Revenge become's Love."(ON HOLD)
Fiksi RemajaSi Iris. Si Iris ang isang batang inosente at walang kamuwang-kamuwang sa mundo ay nagtransform bilang isang maganda at kaakit-akit na dalaga ng dahil sa isang lalaki na pinangalanang si Aldrich Villaflor. Aldrich is the reason why her family is bro...