Entry#24

241 9 4
                                    

Dear Diary,

                  Nakaka phobia pala makasama si Alec sa cover photo niya no? Grabee. =___=

As expected, marami ang nagreact sa picture namin ni Alec na siya pang ginawa niyang cover.

May mga nagsabi ng:

"Uy, who's the girl?"

"OMG! You have a girlfriend na?"

"Hala! Taken kana?"

Sagot ni Alec: Hindi. Grabe naman kayo. Friend ko yan, si Jai.

Tapos may mga nagcomment din ng:

"Eew! Hindi bagay."

"Maganda pa ako dyan eh!"

"Is she your frog princess?"

Ang sama lang diba? Nakakainis! Kung makalait sila, akala mo kung sinong perpekto.

Buti nalang nagcomment si Alec. Ang sabi niya, "Guys. Respect naman po. She's my friend, so please be nice to her. And correction po, she's pretty for me. Simply pretty, effortless. "

AYIEE! Talaga naman!

With a smiling face pa yon ha!

Infernes!

Fressness!

Kinilig ako don.

Pinagtanggol niya ako. YIEE! ^o^

Pero guess what? Hindi pa pala doon nagtatapos ang lahat.

Kase pagpasok ko ng school kanina, may mga babaeng humarang sakin. I guess, I.T rin sila.

"Its you!"

"Yeah. The ambitous girl!"

"Hahaha! Daydreamer."

=___=

Biglang tinignan nung may pinakamakapal na blush on ang I.D ko.

"Jyra May Agpangan. BSBA 1A." binasa ng katabi niyang girl na pagkapula pula ng lipstick.

"Anu bang kailangan nyo sakin?" tanung ko. Kasi, gusto ko ng umakyat sa Building namin at magrreview pa ako.

"Well," bigla nila akong pinalibutang tatlo. "We just want to teach you a lesson."

Mga teachers na ba ang mga to? Hindi pa nga sila graduate eh. Tsaka alam ko, bago makapagturo sa college, dapat magMasteral ka muna.

Biglang marahas na hinila nung isa ang buhok ko.

ANG SAKIT! SINABUNUTAN AKO!

"Aray!" napasigaw pa ako sa sakit.

Bigla naman akong sinampal nung isa. Take note, hindi simpleng sampal kundi marahas at napakalutong na sampal.

ANU BANG PROBLEMA NG MGA TO?!

"Nasasaktan ako, anu ba!"

Hanggang sa pinagkaisahan na nila ako.

"Manong Guard!" sigaw ko.

Buti nalang narinig ako ni Manong Guard at agad na lumapit samin. Nagsitakbuhan naman yung tatlong kontrabida. Mga duwag =___=

Shems. Ang buhok ko! T^T

Siguro, kamukha ko na si Kirara sa sobrang gulo ng buhok ko nung time na yun. Tapos ang sakit sakit pa ng pisngi ko. Grabee Diary. Daig ko pa ang nabugbog. T^T

On the way Room, nakita ako ni Vince.

"Oh Jai, anung nangyari sayo?" tanung niya sakin.

Ayun, kinwento ko sa kanya ang mga pinaggagawa sakin ng mga asungot na yun. Aba! Gusto ba namang resbakan?

Sabi ko nga sa sarili ko nun, 'Seriously Vince. Pumapatol ka pala sa babae?'

Pero naisip ko, di naman niya sseryosohin yun. Concern lang talaga siya sakin. Ayiee! Haha.

LUNCHTIME kanina. Nakita ko si Alec sa cafeteria. Kasama niya yung mga friends niya. Parang may pinag uusapan sila. Siguro about school matters.

Ilang saglit pa, lumapit sina Nikka sa kanila. I saw Alec smiled.

Halalala. Nainlove sya kay Nikka? Makangiti wagas. =___=

"Vince." tawag ko sa kaharap kong si Vince.

"Anu yon, Jai?"

"Pakisabi kay Alec, mamalit na siya ng cover photo."

"Bakit naman?"

"Basta."

"Break na kayo?"

ANAK NG TOKWA'T BABOY at PUTO'T KUTCHINTA!

KAILAN PA NAGING KAMI?

"Anung break pinagsasabi mo? Adik ka ba?" =___=

"Ah. Nagseselos ka lang?"

"Josme! Wala ako sa mood makipagbiruan sayo Vince!" napasigaw ako ng di sinasadya.

Napalingon tuloy sina Alec, Nikka and others samin.

Next kong ginawa?

Anu pa ba, edi walk out!

Nakakahiya e. Mwahaha.

**

Nag online ako kanina.

Biglang may nagbuzz.

Pagtingin ko sa chatbox, si Vince.

SORRY.

Nagreply ako: OK LANG. Di naman na ako galit. 

Tapos binalik ko sa YouTube. At pinanuod ang uncut version ng GGV last week.

JulQuen shipper ako eh! ^o^

(SHARE LANG. HAHA)

Kaso nagbuzz ulit.

Viniew ko ulit yung FB ko.

Akala ko nagreply si Vince. Pero ibang chatbox ang nandon.

Alec Brandon Chaii Dungo:

JAI.

Napaisip tuloy ako, anu kayang kailangan neto?

Palagay mo Diary?

Signing Off: JyraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon