Entry#37

234 8 0
                                    

Dear Diary,

              Ang sarap pala ng pakiramdam na, pinagkakatiwalaan ka ng taong importante sayo.

Napagkwentuhan namin ni Alec si Nikka, kahapon. Ang weird daw kasi ni Nikka these past few days. Parang bigla daw syang nagiging madikit sa kanya. "pansin ko nga" sabi ko naman. Aba, tinawanan lang ako ng mokong.

Sabi niya, sabi daw ni Nikka, break na sila ng boypren niya kaya single and available na daw siya.

Sa isip ko nga nun, gusto kong sabihin nya, "Paki ko?" =___=

Kaso, ang rude naman ata non. Wag nalang. Haha.

Tinanong ko si Alec. "Ikaw ba, gusto mo siya?"

Mukha siyang nagulat. Hindi ata niya expect na itatanong ko yun sa kanya.

"Ako?" tanung pa niya.

Ay hindi. Ako! =___=

"Maganda siya--"

"Kitams!" sabat ko. Kahit alam kong hindi pa siya tapos.

Para kasing may kumurot sakin nung marinig yun mula sa bibig nya eh.

Kung sabagay, maganda naman talaga si Nikka eh.

"Anung kitams?" kunot noo niyang tanong.

"Gusto mo siya." sabi ko, nang wala sa loob ko. Parang gusto kong kumontra sa mismong sinasabi ng bibig ko.

"Ha? May sinabi ba ako? Ang sabi ko lang, maganda siya." paghuhugas kamay niya. =___=

"Yun narin yon!"

"Hindi. Magkaiba yun."

"Denial pa eh." =___=

"Ikaw, kung tatanungin kita, CB. Hindi ba maganda si Nikka?"

"Maganda."

"Oh kitams! Edi gusto mo sya."

Kitamo. Binalik sakin. =___=

"Oo, gusto ko siya. Tibo ako eh!" sarcastic kong sabi.

"Hala. Galit na si CB. Haha. 'To naman. Gusto ko lang kasi malinawan ka. Oo, nagagandahan ako kay Nikka, but that doesn't mean na gusto ko siya. Gets?" tumingin siya sakin.

Umiwas naman ako ng tingin. "Gets."

"Hindi mga tipo nya ang gusto ko."

"Ha? Anung gusto mo? Nget-pa?"

Ginulo niya ang buhok ko. "Ikaw talaga."

Alam mo Diary, muntik ko ng ma-misinterpret yun.

Kase diba, tinanung ko kung anong gusto niya? Tapos sabi niya, ikaw talaga.

Mwahaha. Ang assumera ko lang.

"I like girls who are simplier. Yung hindi masyadong ma-colorete, at madesign sa sarili. Simplicity is beauty, para sakin. Kaya mas gusto ko yung gandang natural." paliwanag niya.

Lihim akong napangiti, sa mga sinabi niya.

Kahit pala almost perfect siya, hindi naman ganun ka perfect ang gusto niyang babae. Gusto lang nya ng simple at natural.

Isang positive characteristics na naman niya ang nadagdag sa checklist ko.

Turn On.

"Mas particular din ako sa ugali ng isang tao. Hindi naman sa ano,pero I don't like how Nikka acts."

Isip isip ko, 'Weh? Eh bakit di mo binawalan nung hinaharot ka nung isang araw? Tse!'

"Gusto ko siyang pagsabihan tungkol dun, pero baka mapahiya pa siya dahil sakin."

Psh. Ang Bait! =___=

"Naniniwala naman ako, may mga babaeng maria clara parin sa panahon ngayon. Na hindi sila yung unang gagawa ng move para mapansin ng lalaki." nakangiti sya habang sinasabi ko.

BAKIT PAKIRAMDAM KO, INLOVE ANG BESPREN KO? T^T

"PB? Inlove ka no?"

"Ha?" tumingin sya sakin.

"Ah, wala!"

"Hindi pa ako sigurado eh, CB." umakbay siya sakin. "Pero wag kang mag alala, kapag sigurado na ako, IKAW ANG UNANG MAKAKAALAM."

DIARY! T^T

Anung gagawin ko? Inlove na ata si bespren.

At ako pa daw ang unang makaka alam. Ouch ata yun.

Pero isip ko, di ba sya aamin sa girl if ever?

At una pa niyang chi-chika sakin?

Kung sabagay, ako ngapala ang dakilang bestfriend.

Signing Off: JyraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon