Entry#10

313 9 0
                                    

                                                                                                               

Dear Diary,

              Nagbalik na naman si Tom Doromal. Pagkatapos ng mahigit isang buwan? Actually, hindi ko na gaanong matandaan kung gaano katagal e. Basta ang alam ko, matagal siyang nawala sa buhay ko..

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman nang mabasa ko ang message niya sakin.

"I miss you, Jai.."

Kung date, siguro kikiligin talaga ako. Yung mapapasmile. Pero ngayon, nung nabasa ko yun? Nalungkot ako.

Na parang sabi ko sa sarili ko..

"Aaw. Bakit ngayon ka lang?"

"Bakit ngayon pa?"

"Oo, may apekto ka parin sakin. Pero, gaya ng sabi ni Yeng sa isang kanta. "Di na Ganun."

Hindi na kagaya ng dati yung nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano. Basta, bigla nalang. Nasabi ko sa sarili ko, "Baka hindi talaga. Wag ng ipilit."

Alam ko Diary, pag nabasa mo to, maiinis ka sakin. Kung bakit binigyan ko pa ng slot sa mga entries nito si Tom. Pero kasi, gusto ko i-share sayo lahat. Kaya, bare with it. Kay?

So yun nga.

Nagmessage rin naman ako. Nangumusta ba. Ayun ayos lang daw siya. Tapos inaaya ako, libot daw.

Naisip ko, siguro, nalulungkot lang si Tom. Kailangan niya lang ulit ng makakausap, magpapatawa sa kanya.

Pero, Josme! Hindi naman ako CLOWN! T^T

Tsaka, hindi ako Walking Joke Book no. Isa pa, ang kkorni kaya ng mga jokes ko. Nagtataka nga ako, kung bakit natatawa si Tom sa mga punch line ko, pati sa mga ka eng-eng'an ko eh. Siguro, walang choice no? Kaya pinipilit nalang tumawa.

Hahaha. Pero, ewan ko. Hindi ko na siya minessage ulit. Parang may urge na nagsabi saking.. "wag na Jai. Masasaktan ka lang. Gusto mo bang masaktan ulit? For the 3rd time? Di ka pa ba nagtanda?"

Kaya ayun. Kahit alam kong malungkot siya ngayon, hindi nalang ako nagresponse.

Tsaka sa pagkakatanda ko, ang usapan namin, wala nalang ulit communication e. Aware naman din siya na dalawang beses na niya akong nasaktan. Actually, hindi nga lang dalawang beses. Dalawa lang yung major major pain. Ah basta! Ayoko ng mag explain. Haha.

Move on move on rin pag may time!

SMILE!

Signing off: JYraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon