Entry#31

259 7 3
                                    

Dear Diary,

               Ang saya nagstart ng new year ko. Sana magtuloy tuloy, all the way.

Gaya ng sabi ko, sa entry 30. Gumanti ako kay Alec. Mwahaha.

Tinawagan ko siya, as soon as matapos ang putukan at kainan samin. Around 12:30 na ata yun. Nagkulong ako sa kwarto namin, at dinial ko ang number ni Vince.

Mwahaha. Syempre, si Vince muna dapat. Para hindi halata. Haha.

After matawagan si Vince, number naman ni Alec ang tinawagan ko.

(Hello)

Shemay Diary! Kahit sa phone lang, ang ganda ng boses!

"Happy New Year!"^o^

Narinig ko siyang nagsmile sa kabilang linya.

(Happy New Year din, Jai)

*Dugdug..

Ganun pala ang feeling pag tinawag ni crush ang pangalan mo. Err! Namiss ko talaga siya.

"Kamusta diyan sa inyo? Maingay pa ba?" tanung ko.

(Hm. Hindi na gaano. Sa inyo?)

"Hindi narin."

(Ah. Jai, anung wish mo ngayong new year?)

"Umm. Ako? Sa totoo lang, wala naman na akong mahihiling pa sa ngayon eh. Kase, kompleto ang pamilya ko, masaya kame, nagmamahalan. Healthy kaming lahat, walang may sakit. Masaya kami. I have my friends. Kayo nila Vince. Okay din sa studies. Hm. Siguro, ang wish ko nalang, bumalik na si Karen."

Woha Diary! Na-mention pa kita. Haha.

(Ah. Sino si Karen?)

"Bestfriend ko."

(Ah. Nasan ba siya?)

"Amerika."

(Ah. Osige)

"Ha?"

(Ganito nalang.)

"Ano?" clueless ako sa sinasabi niya that time.

(Habang wala siya, ako muna ang bestfriend mo)

"Ehh?"

(Ayaw mo?)

Makakatanggi ba ako?

"Hinde ah."

(Edi, okay ka dun?)

"U umm." tumango pa talaga ako kahit di nya nakikita.

(Sige, bespren!)

"Bespren!"

Hindi ko alam pero ang saya ko that time. Kasi parang lalo akong napalapit sa kanya.

Kumbaga, I took a step closer to him. Papalapit ng papalapit.

Kaya nga ba, ang saya lang ng bagong taon ko!

Sana all the way na no?

Pero don't worry Diary. Ikaw parin ang BFF ko!^o^

Signing Off: JyraMay

ps. Anu kayang magandang itawag ko kay Alec? Bessylicious?

PerfectBestie? GwapongBest? O (CBF) CrushBestFriend?

Mwahaha. PBB TEENS! >.<

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon