Entry#20

246 8 0
                                    

Dear Diary,

                Sobrang ganda ng gising ko ngayon. Ewan ko ba, ramdam na ramdam ko kasi ang goodvibes ngayong araw na'to. Siguro, hindi lang din ako makarecover sa mga pangyayari kahapon.

Akalain mo ba namang, makikila rin ako ni crush? I mean, yung pormal. Nakatabi ko siya, tapos nakausap pa.

Tapos ngayon, pahihiramin ko pa ng notes. Ang saya di ba?

Baka eto pa ang maging tulay ng pagkakalapit namin ni Alec My Loves.

Mwahaha. PBB TEENS?!

Moving on.

Maaga akong pumasok ngayon. Ang sabi ni Vince, pupuntahan nalang daw ako ni Alec sa room para kunin yung notes. Pero dahil madamot ako, at gusto ko ako lang ang makita niya. (Mwahaha, ambisyosa!) Hinintay ko nalang si Alec sa labas ng room namen.

"Uy!" bati niya saken.

Ouch naman. Hindi parin niya memorize name ko? Saklap naman. =___=

"Jyra May ang pangalan ko."

"Ah, okay." ngumiti siya.

Anakanang?!

Wag sabi ngumiti eh! Nakakalusaw. Err.

"Umm." umarte ka ng normal Jai!

"Heto pala yung notes." inabot ko sa kanya yung notes ko.

Kinuha naman niya ito. "Salamat ha." tapos ay ngumiti ulit.

"No problem, Kuya." H-ha? San ko galing yung Kuya? Ay. Buang na Jyra. =___=

"Wag mo na akong Kuya-hen. Si Vince nga pinagbawalan ko, tapos ikaw tatawagin rin akong Kuya? Di patas yon." ngumiti sya ulit. Nagbibiro ba sya o ano?

"Ah. Hehe." napakamot ako sa ulo.

Anung gusto mong itawag ko sayo? Mr. Perfect? Crushie? Crashlayp? ANO??

"Oh siya. Baka nakakaabala na ako. Salamat ulit."

Tumango ako at ngumiti rin sa kanya.

SHEMAY! Hindi talaga ako makapaniwalang nangyari lahat ng yun!

Josme! Yung ngitian ka lang ng crush mo, ang laking achievement na yon frend!

Haay. ABCD..

Bakit ang bait mo sakin?

Sakin lang ba, o sa lahat, ganyan ka talaga?

Signing Off: JyraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon