Entry#13

291 10 0
                                    

                                                                                                             

Dear Diary,

                      "You seem so near yet so far.."                                                             

Ang lapit na niya, pero bakit parang ang layo parin?

CANCEL!

Umagang umaga, at monday na monday. Dapat Good Vibes lang.                               

GOOD VIBES!

May program sa school. Nakita ko na naman siya.

Para talaga siyang star. Na patuloy sa pagtwinkle. Hindi siya nakakasawang tignan. Yun nga lang, hindi pwedeng masyadong matagal. Dahil mangangawit ka sa kakatingala.

Umupo na kami sa Auditorium. Ready na para pakinggan ang speaker sa unahan. Katabi ko ang friend kong si Myrtle. Habang patuloy ang paglibot ng mga mata ko. Hinahanap ko kung saan umupo si Alec.

Hanggang sa..

Nakita ko siya. Nakaharap dito sa bandang likod. Na waring may hinahanap rin. May gusto ring makita.

Saglit na nagtama ang mga mata namin ni Alec. Dahilan para magwala ang puso ko. Hindi ko alam kung napatigil lang siya sa paghahanap o nakita na niya ang hinahanap niya.

Okay, assuming kana naman Jyra May. =___=

Ah basta! Yun. Agad akong umiwas ng tingin, syempre. Kaya hindi ko alam kung patuloy syang naghanap o hindi.

Pagkatapos ng program. Naglabasan na.

Katabi ko si Myrtle. Ang alam ko, naggwapuhan rin siya kay Alec. Pero hindi nya alam na crush ko siya.

Biglang nagkalapit kami ni Alec. As in inches away. Pinagkukurot ni Myrtle ang braso ko.

Aray naman. T^T

Grabee naman pala kiligin ang babaeng to, daig ko pa. =___=

Patay malisya lang ako. Kahit na sa loob loob ko, ang saya ko.

Pero nawala ang sayang yun, nang daanan na niya ako. Wala na. Para lang akong hangin.

Tsk. Dapat pala ginawa ko yung sa Entry#11.

Paglabas namin ng Auditorium, hindi ko na nakita si Alec.

Pagdating sa Building. Nagulat ako dahil pinress na naman ni Myrtle ang braso ko. Pagtingin ko sa Ground Floor, andun si Alec. Nakatayo. Parang may hinihintay?

Ang bagal maglakad ng mga nasa harap ko. Argh. Kumaliwa ako para sana lampasan sila, kaso nasa right side din si Alec. My Gosh. Nahihiya ako. Kaya in the end, hinintay ko nalang sila.

Pero, grabee Diary. Nakaka conscious parin pala yun no?

Feeling ko kasi, tinitignan nya ako.

Oo, alam ko feelingera ako. K dot. =___=

Alam mo yung feeling na parang ayaw mong umakyat? Ang bigat ng mga paa mo? Kasi nasa baba naman happiness mo?

Korni Na!

Psh. Kill Joy. =___=

Makapagreview na nga lang sa HBO. Andyan na naman si Ma'am eh. Baka mamaya, kung kelan di ako nakapagreview, doon pa ako matawag.

Malas lang di ba?

Wag ng magtaka. Ako si Ms. Malas eh.

Lahat na ata ng negative qualities, taglay ko na.

Miss Negative!

T^T

Signing Off: JyraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon