Entry#17

275 10 4
                                    

Dear Diary,

                    Back to normal na ulit.

Normal as in. Discussions here, recitations there, exams here, exams there.

Ang bilis lang lumipas ng araw. Hindi ko napapansin, last week of August na pala.

Oo Diary, 3weeks din akong hindi nakasulat sayo. Kaya sorry ha? Naging busy na kasi, after ng Party. Kailangang karirin ang pag aaral, syempre college na. Bawal na ang pa-petiks petiks.

LIBRARY.

Tambayan nga ba ng mga masisipag na estudyante?

Hindi ko alam ang sagot diyan. Ako kasi, pumupunta lang ako ng library kapag manghihiram ng book o kaya may home work.

Malamang. =___=

Alangan namang pupunta ako ng library para kumain no?

Psh. Ang ewan!

Eto, siguradong interesado ka.

Ang alam kong schedule nila ABCD, (alam na!) ay 1-5PM. I'm not sure. Pero madalas, pag papunta palang ako, sila pauwi na. Sad diba?

Yeah, I know.

So yun nga.

Kahapon, nagpunta ako ng library. Since ahead of 5 akong dumating sa school. Ang balak ko lang naman ay manghiram ng libro.

Medyo sad ako nun, Diary. Kasi nga, hindi ko nakasalubong si Alec. Hindi ko siya nakita.

Ewan ko ba, pero parang hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Parang parte na siya ng araw araw na sistema ko.

Weird di ba?

Wala eh, gusto ko siya. Este, crush lang pala. Crush lang, Jai. CRUSH LANG! CRUSH!

Okay, fine. Whatever! =___=

So yun nga, matamlay akong pumasok ng library.

Then all of a sudden, nakita ko siyang nakaupo sa pinakamalapit na table sa pinto. As in, pagpasok mo, yung table na yun ang sasalubong sayo. And what's better, ay nakita ko siyang nakaupo doon. Habang busy'ng busy sa pagbabasa, I think?

Wow, sipag naman ni Crush Ko.

Fleengy Jai. =___=

Eh kasi naman Diary eh! Mas cute pala siyang tignan, pag seryoso? Gusto ko tuloy siyang picturan. Kaso, syempre nakakahiya naman yon. Kaya, patay malisya nalang ako.

Naglakad ako papunta dun sa kinalalagyan ng mga bookshelves. At hinanap yung Bussiness Section. Kinuha ko yung Management Book. Tapos ay naglakad na palabas ng library, nang hindi tumitingin sa kinauupuan ni Alec.

Syempre, kasi pag dadaanan ko siya at tumitig ako sa kanya, mapapansin niya yun. Kasi ang pwesto niya, nakaharap sa mga shelves.

Kaya yun, dumaan lang ako ng natural.

Pero alam mo kung anong weird, Diary?

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, pakiramdam ko, nakatingin niya sakin. Alam mo yung ganung feeling?

Ang weird di ba?

Pero, hindi ko na yun pinansin.

PERO!

Nag online ako kanina.

I saw his post on facebook.

Alec Dungo - Library: Spotted!

Ayokong mag assume. Pero, can it mean something?

Signing Off: JyraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon