Entry#22

239 10 3
                                    

Dear Diary,

                Hindi ko alam pero pakiramdam ko, unti unti ng nawawala yung distansya sa pagitan namin ni Alec.

Dati kasi, kahit ang lapit na niya, parang ang layo parin. Pero ngayon, kahit malayo ako, pakiramdam ko, abot kamay ko na siya.

Siguro dahil narin sa thought na alam niyang nag eexist ako. Alam niyang may Jyra May Agpangan ang nag eexist sa mundo. Ang hindi niya lang alam, na ang JyraMay na yun, ay matagal ng may gusto sa kanya.

"Vince!"

Heto na naman siya. Pinapalakas ang kabog ng puso ko.

Lumapit siya samin nang may malapad na ngiti sa kanyang labi.

Ang pogi talaga ng taong to. Nakakainis na. Effortless eh. Parang yung pinaka accessory lang niya, yung kanyang NGITI.

"May klase pa kayo?" tanung niya.

"Ah, wala na. Actually, pauwi na nga dapat kami eh." sagot ni Vince.

Ako naman, hindi kumikibo. Nakatitig lang ako sa dalawang nag uusap.

"Good. Tara, samen!" masayang anyaya ni Alec.

Hala! Anung meron?

Hindi kaya, birthday niya ngayon?!

Grabee. (__.)

Anung klaseng stalker ako, ni hindi ko man lang alam birthday niya?

Ay. Hindi nga pala ako stalker.

Crusher lang. Mwahaha.

"Jai."

"Ah, oh Vince?"

"Okay lang ba? Punta daw tayo kina Alec?"

"Ha? Uhh." tumingin ako kay Alec. "Birthday mo?"

Natawa siya ng kaunti. "Hinde. Si Mama."

"Ah. Ehh, panu ba yan. Nakakahiya naman, wala man lang kaming regalo." sabi ko. Pero sa totoo lang, ayoko talagang sumama. Para kasing nahihiya ako na kinakabahan eh.

"Okay lang yan no. Tara na!"

Sobrang kinagulat ko ang sumunod na pangyayari.

Hulaan mo kung ano.

A) tinulak ako ni Alec.

 Sinabi ni Alec na papakilala nya ako sa Mama niya.

C) Hinawakan ni Alec ang kamay ko atsaka tumakbo.

D) Either A, B or C.

Mwahaha.

Anung sagot?

"A-Alec.." Naiilang ako na hindi ko maipaliwanag.

Bigla kasing hinigit ni Alec ang kamay ko tapos tumakbo. Ehh, hindi ko pa man din nahila si Vince kaya ayun, medyo naiwan siya.

"Bakit?" patuloy parin sya sa pagtakbo, kaya napapatakbo rin ako.

"S-si Vince.."

Hanggang kailan ba ako mauutal ng ganito? =_____________=

Bigla siyang napatigil sa pagtakbo.

"Oo nga pala. Nakalimutan ko."

*Dug. Dug. Dug*

Ang abnormal naman ng heart ko. Bigla ba namang lumakas ang kabog?

Ehh. Bakit kasi niya nakalimutan si Vince?

Dahil sakin?

MALABO.

Ata?

Pero for your info, Diary..

Hindi kami natuloy kina Alec.

Bakit?

Narealize ko kasi.

May exam pa kami bukas! T^T

5 long bond papers pa naman yun. Josme!

Review review din pag may time.

Pero Diary. Hindi ko parin magets.

Bakit nya nakalimutan si Vince?

Ayokong mag assume, pero kung ano anong teorya ang pumapasok sa isip ko.

Ikaw Diary, ano sa palagay mo.

MAGSALITA KA NAMAN. T^T

Signing Off: JyraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon