Entry#12

294 8 1
                                    

                                                                                                       

Dear Diary,

                Hala. Hindi maganda ito. Palagi ko ng iniisip si Alec. Tapos kahit dalawang araw ko lang siyang di makita, miss ko na siya. OMG! Wag naman sana lumalim tong simpleng crush ko sa kanya. Pag nag exceed pa'to, ay nakoo, disaster!

Knowing na langit siya at lupa ako. At impossibleng mag collide kame, meaning, masasaktan lang ako sa huli.

Dahil para lamang siyang isang bituin sa langit. Oo, matititigan mo ng kahit gaano katagal, pero kailanma'y di mo maabot.

Ang baduy ko no? Naging makata pa tuloy ako. Eh kasi naman, kailangan ko ng magising sa katotohanang pangarap lang siya.

Impossibleng mapansin niya ang isang katulad ko. Hindi na nga kagandahan, wala pang talento. Bopols pa. Argh! T^T

Kasi naman e. Masyado siyang perfect, masyado siyang ideal. Yan tuloy, daming nakapila. Kung pipila pa siguro ako baka nasa 1046569789 pa ako. Okay, oa na yun. Siguro nasa mga 250 lang. =___=

Pero, Josme! Sa palagay mo ba, magkakagusto ang isang 'almost perfect guy' sa isang babaeng.. Ugh. Walang kakaibang katangian? Bukod sa pagka abnormal ko, ano pa nga ba ang kakaibang katangiang taglay ko?

WALA.

NGANGA.

PONGE.

Haay.

Sigh.

Kahit anong gawin ko, di talaga siya maalis sa isip ko. Asar lang di ba?

Wala ba siyang day off?

Araw araw, andito eh. =___=

Buti sana kung totoong siya yung andito, hindi yung imahinasyon lang. Josme. Panay na tuloy ang pagddaydream ko, kahit di naman Day. Err!

Naiisip ko nga, nakakatulog pa kaya ng maayos sa gabi si Alec? Eh, hanggang 12 MN kasi nasa isip ko siya eh. Naks! Banat! ~___^

Pero, seryoso nga. Palagi ko talaga siyang iniisip this past few days.

Na-memorize ko na nga yata bawat korte ng mukha niya eh.

Sparkling eyes..

Long eyelashes..

Perfect nose.

Smooth face..

And..

His killer smile.

Shems. What to do? Nababaliw na ata ako! T^T

Dalhin nyo na ako sa bilibid. Este, sa mental pala.

Baka sakaling may lunas pa sa sakit ko na..

Signing off: JyraMay

ps. .. NamimissKoSiAlecSychosis.

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon