Entry#19

276 11 2
                                    

Dear Diary,

                      Parang panaginip lang, pero totoo pala.

First week ng second sem. Bagong subjects, bagong prof. As expected, prof ulit namin si Mam Terror. Okay naman yung mga prof namin, so far. Marami akong natutunan sa kanila.

Kasa-kasama ko parin sina Myrtle at Vince. May mga vacants narin pala kami ngayon. Kaya tumatambay kami minsan sa canteen. Gaya kanina..

"Diet ka Myrt?" tanong ni Vince. Hindi kasi sya umorder ng heavy meal. Bumili lang sya ng Piattos Blue at Coke.

"Oo eh. Parang tumataba na kasi ako."

"Grabee. Tumataba ka pa sa lagay na yan?" tanung ko. Eh feeling ko, mas mataba pa nga ako sa kanya eh.

"Oo naman--"

Hindi natuloy ang sasabihin sana ni Myrtle dahil nagring ang phone niya.

"Hello? Ves." Humarap siya samin. "Excuse me lang guys ha."

Sabay naman kaming tumango ni Vince. Tapos ay lumabas ng cafeteria si Myrtle.

Haala. Private ang pag uusapan? Hay nako. May pagkamalihim din tong si Myrt eh no. Boypren niya siguro yun.

"Vince!"

*thump thump thump*

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang lumakas ang kabog ng puso ko.

"Oh Alec!" sigaw ni Vince.

Sabi na nga ba..

Lumapit ang isang gwapong nilalang sa table namin at OH MY GOSH! Umupo sa tabi ko. Kaharap ko kasi si Vince.

"Buti nakita kita."

Tinignan ko siya sa peripheral vision ko. Shemay! Ngumiti siya!

"Bakit, anung meron?" Vince.

Okay. Dedmahin talaga ako ng dalawa? Mag walk out kaya ako?

Ay hinde. Baka maturn off si crush.

Mwahaha. Pbb teens ang peg.

"Anu kase.." napatigil si Alec sa pagsasalita nang mapabalikwas sa akin.

Mukha siyang nagulat.

Ay? Oo Alec. Andito ako. NAG EEXIST AKO! May iba kayong kasama!

"Ay. Sorry, may kasama ka pala."

Malapit nakong maturn off sayo, Alec Dungo. =_____=

"Hahahaha! Di mo napansin?"

Sige Vince. Gatungan mo pa. At ipamukha mo pa sakin na HINDI AKO KAPANSIN PANSIN. Sige lang.

"Classmate mo?" tanong ni Alec.

Ay hindi. Studymate niya ako. =___=

"Oo. Si Jai, friend ko." Vince.

"Ahh." sagot ni Alec. Ang tipid naman!

*tingin sa ibang direksyon*

"Jai, si Alec pala."

"Aa. Ha?" patay malisya akong tumingin kay Vince.

"Si Alec, friend ko."

Humarap ako kay Alec.

Ehh? Nakatingin sakin. Kanina pa ba to?

Nakakailang pala yon.

Binalik ko ang tingin kay Vince, tapos kay Alec ulit.

Shemay, kinakabahan ako!

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon