Entry#33

233 9 3
                                    

Dear Diary,

                  Pakiramdam ko talaga, sobrang blessed ako. Magkaroon ka ba naman ng

mababait na kaibigan?

Pagdating ko sa bahay, agad kong sinukat yung clip na binigay ni Alec.

Infairnes ha. Ang cute niya! Bumagay sakin. Ang galing niyang pumili. ^___^

Next naman, kinuha ko yung paper bag na bigay ni Vince, pagkatapos ay

binuksan ito.

OH MY GOSH!

Si spongebob! ^o^

Ang kyot kyot!

Grabee. Alam talaga ni Vince kung anong gusto ko!

Binigyan niya kasi ako ng Spongebob na stuff toy eh. Ang kyooot talaga! ^o^

Matawagan nga si Vince. Papa'thankyou lang ako ng bongga.

Okaya, wag na. Bukas nalang, para mas personal.

Dadalhan ko nalang siya ng lunch. Whoot! Whoot!

Ang cute talaga ni Spongebob!

Yinakap ko yung stuff toy, nang mapatingin ako sa salamin.

Nakita ko ulit yung clip na nakalagay sa buhok ko. Ang cute rin netong clip.

Pero teka, di ba unfair yun? Binigyan ako ng gift ni Alec, pero ako,

wala man lang regalo sa kanya.

Anung klaseng bespren ako?

PSH.

Anu bang magandang iregalo kay Crush? Este bestfriend Alec?

Tingin mo Diary?

Hmm.

Parang gusto ko, yung personalize din. Tulad nitong clip na bigay

niya. Tsaka gusto ko yung masusuot niya rin.

Bigyan ko din kaya sya ng clip?

Mwahaha. Hindi ata magandang ideya yun. ^___^v

Kung hikaw kaya?

EENGG.

Ano si Alec, durugista?!

Bracelet kaya?

Hindi ba parang Gay naman yun pag bracelet? Bihira nalang kasi yung

nakikita kong lalaki na may bracelet eh.

Parang, ang weird naman kung singsing.

Ah. Alam ko na!

Bakit di ko agad naisip yun?

Ganado akong pumasok sa school kanina. Dala dala ang lunch namin ni

Vince, at bitbit sa bag ko ang regalo ko kay Alec.

Hindi tulad kahapon, wala si Alec ngayon sa may gate.

Psh! Hindi consistent! Nag expect pa naman ako. T^T

CHOS LANG! Mwahaha.

Ang bilis tumakbo ng oras nung araw na yun. Agad, naglunch break.

Agad ko namang hinila si Vince papunta ng cafeteria. Excited ako eh!

Ang sarap pa naman ng luto ni Mama! ^o^

"Grabee ka naman makahila Jai. Anung meron?" tanong ni Vince as soon

as makaupo kami.

"Ehh kase, pinagbaon kita!" ^o^

Nilabas ko sa paperbag yung lunch boxes na dala ko.

"Oh wow. Ang sweet naman." sambit niya, tapos agad na kinuha ang blue

lunchbox. "Thankyou!" ^o^

Cute cute talaga netong si Vince.

"Cute mo talaga!" kinurot ko sya sa pisngi.

"Aray!" T^T

"Wahahaha! Ang pula ng pisngi mo, Vince. Mwahaha!"

Grabee. Para siyang naka-blush on.

Tawa lang ako ng tawa, habang naka pout naman si Vince.

Natigil lang ako sa pagtawa nang makitang pumasok ng cafeteria si Alec.

Bigla siyang napatingin sa direksyon namin ni Vince.

Ngumiti siya, pero halatang pilit naman.

"Alec!" tawag sa kanya ni Vince.

Mukha siyang umiiwas, pero dahil tinawag siya ni Vince, lumapit siya samin.

"Sabay kana samin maglunch." alok namin ni Vince.

"Nagbaon kayo?" tanung ni Alec samin.

"Hinde. Si Jai lang. Pinagbaon ako. Sweet no? Haha!" sagot ni Vince.

Bigla akong na-awkward. Hindi ko alam kung bakit.

"Ah. Sweet naman." sagot ni Alec. "Ahmm. Next time nalang ako sasabay.

Kasi may gagawin pa kami eh. Sige ha." dire-diretso niyang sabi.

Ni hindi nya nga kami hinintay na sumagot. Umalis siya agad.

Alec ha. Ang weird mo ngayon, promise! =___=

ANG SNOB!!

Panu naman yung gift ko for him?

Signing Off: JyraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon