Entry#34

271 10 5
                                    

Dear Diary,

                  Bakit biglang bumigat ang mga paa ko?

Kasi naman tong si Alec eh. Bigla ba namang umalis? Gusto ko na pa man

ding ibigay yung gift ko.

After namin kumain ni Vince, bumalik kami sa klase. Argh. Di ako

masyadong makapag focus. Nabbother kasi ako sa mga ikinilos ni Alec.

Di naman siya mukhang busy nung pumasok sya sa cafeteria ah. Pero

biglang umalis after naming tawagin? Tapos yung smile pa niya kanina,

parang fake.

Argh. Ang bagal ng oras Diary. Heto nga oh. Nagsusulat nalang ako sayo

para hindi ako ma-bore.

Hala! Teka Diary! May surprise quiz daw. Josme! Hindi pa man din ako

nakinig. T^T

BRB.

*

Cont.

After class, nagpaalam ako kay Vince. Tapos ay agad akong pumunta sa

IT building. Para hanapin si Alec.

Inisa isa ko yung mga room sa first floor. WALA.

Second floor, WALA DIN.

Third floor, WALA PARIN! T^T

Rooftop! Baka nasa rooftop siya.

Bakit hindi ko agad naisip yun?

Ay, Bopols. =___=

Grabee. Ang bigat ng mga paa ko habang paakyat ako. Hindi lang dahil

sa pagod sa kaka-akyat. Kundi dahil sa kaba. Err! Bakit ba ako

kinakabahan ng ganito?

Patuloy ako sa pag akyat, hanggang sa marating ko ang rooftop.

Di nga ako nagkakamali. Nandun nga siya. Nakaupo sa isang korner,

holding a guitar.

Mukha pa siyang nagulat nang makita niya ako.

"H-hi?" kandautal kong bati. Halatang pilit na pilit ang ngiti ko.

Ngumiti rin sya, pero pilit din. Tapos sumenyas sya na umupo ako sa

tabi niya. So I did.

Kinuha niya yung paper at pen na nakalapag sa floor kanina at nilagay

yun sa bag niya.

Hala, confidential? Ang daya! *pout*

"Anu yon?" tanong ko.

"Ha? Alin?"

"Yung sinusulat mo kanina."

"Ah, wala yun." nagstrum siya sa gitara niya. "Nagccompose ako ng kanta."

"Talaga?" ^o^

Tumango siya, tapos tipid na ngumiti, at nagstrum ulit.

"Ah ngapala!" naalala ko, pumunta pala ako dun para ibigay yung regalo ko.

Binuksan ko yung bag ko at kinuha yung black box.

"Para sayo!"

Mukha syang nagulat. "Sakin?"

Tumango ako, tapos ngumiti.

Napasmile rin siya. This time, totoo at sincere na. Ang tamis!

Kinuha niya yung box at agad na binuksan.

Parang nagspark yung mga mata niya. Oh wow, nagustuhan niya ata. Thank God.

"Nice. Thankyou, Jai." nakangiti niyang sabi. Ayee! Nagsmile na ulit

sya. Kyoot! ^___^

Kinuha niya yung necklace at napakunot noo siya ng makita yung pendant.

PB.

"Bakit PB?" tanung niya.

"Yh! Hindi ka nakikinig sa discussion natin kahapon. Sabi ko, PB

itatawag ko sayo, short for Perfect Bestie!" sabi ko sabay pout pa,

para convincing.

"Ah, oo nga pala. PB." ngumiti ulit sya, tapos ginulo yung buhok ko.

Anebe. Wala akong dalang suklay. =___=

"Eh kung PB tawag mo sakin, anung tawag ko sayo?" tinitigan niya ako

ng napaka seryoso.

ERR. MUNTIK NA AKONG MATUNAW DUN DIARY!!

"S-sakin? Uhh. Ano. Hmm. Ewan. Ikaw bahala." sagot ko lang sa kanya.

"Hm. Anu bang maganda?" tinitigan niya ako ulit ng matagal.

GRR! GANYAN NAMAN TO MAKATINGIN! Argh.

"Anyway, bagay sayo yung clip." sambit pa niya tapos inayos pa yung buhok ko.

MYGAD! Bakit ka ganyan?!

"Cute Besfriend." biglang sabi niya.

Halos malaglag na ang panga ko sa sinabi niya.

KELAN PA AKO NAGING CUTE?

AYIEE! SI CRUSH, SINABIHAN AKO NG CUTE! ^___^

Pauwi nalang ako kanina, may tumawag pa sakin.

"CB!"

Kahit nakatalikod ako, napangiti ako ng malapad.

Alam ko na, kung sino yung tumawag eh.

Ang Perfect Bestfriend ng buhay ko.

Mwahaha. Fevevetens?! XD

Signing Off: JyraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon