Entry#39

221 7 0
                                    

Dear Diary,

                 Ang weird ni Alec. Sabi niya, may sasabihin daw siya tapos biglang

babawiin. Ano yun? Umaasa tuloy ako..

"CB! May sasabihin ako."

"Ano?"

"Ganda mo!"

"Adik."

"Tamlay mo ngayon ah. May problema ka ba?"

Oo, ikaw. Pinoproblema ko tong abnormal kong puso, tumitibok sayo. =___=

"Wala. Uhh, PB.."

"Oww?"

"Hindi na muna ako sasabay ng lunch."

"Baket?"

"Mmm. Makiki-bonding muna ako kina Myrt. Miss ko na sila eh."

"Oh eh, si Vince? Kasama mo?"

"Mmm. Oo, siguro. Tropa namin yun eh." ^o^

"Unfair. Sama ako!"

Manhid talaga ng taong to. Iniiwasan ka nga eh. =___=

"Nevermind na nga!"

"Hala. Galit ka CB?"

Umiling lang ako.

"May problema ka no? Sabihin mo na."

ANO?!

SASABIHIN KONG INLOVE NA AKO SAYO, GANUN BA?!

Gusto kong isigaw sa kanya yun kanina Diary. Para magkaalaman na. Kaso, pinigilan ko lang talaga yung sarili ko. Baka kasi mapahiya lang ako pag inamin ko yung nararamdaman ko. Kaya mas gusto ko ng itago nalang.

Anyway, nasa school parin ako ngayon Diary. Vacant namin, pero nandito lang ako sa room.

Aish! Si Alec. Pinuntahan ako dito. Tinatanong kung ano daw bang sinusulat ko. Sabi ko, notes lang sa Accounting. Buti, umalis din sya agad. Ang kulit eh. =___=

Ngapala, 2 entries nalang masusulat ko dito, Diary. Kasali na tong 39. Lapit narin maubos tong page eh.

Tsaka na ako magdadrama after ng Entry#40.

I just hope, maayos na matatapos ang Last Entry ng Diary kong ito.

Signing Off: JyraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon