Entry#21

247 8 1
                                    

Dear Diary,

                  Pumunta ako sa library kanina during vacant time. Narealize ko kasi, malapit na akong magreport sa Human Resource Management. Chapter 3 yung report ko eh. Kaya yun, mag isa akong pumunta ng Library.

Umupo ako sa isang vacant table. Grabee. Ang haba ng table, pero walang nakaupo. Sa ibang mesa naman, crowded na sila. Ay, anong trip nila? Gusto talaga nila ng siksikan? Weird.

Pumunta ako sa may Bookshelves at kumuha ng Human Resource Mgmt. Book. Tapos, bumalik sa vacant table.

SCAN.

=___=

Ang haba naman ng report ko! T^T

"Uhh Miss."

Iniangat ko ang ulo ko para malaman kung sino ang tumatawag ng Miss.

O___O

SI ALEC!

Gawd. Huggard pa naman ang look ko. Wa poise. T^T

"May nakaupo ba dito?" tinuro niya ang chair na katapat ko.

Umiling ako tapos nagsmile.

Pero bakit ganun? Parang nanginginig ang ngipin ko?

Bakit ako kinakabahan??

"Ah sige."

Parang slow-mo niyang hinila yung upuan sa tapat ko at slow-mo rin siyang umupo dito.

NGUMITI SIYA.

*GULP*

Ang cute niya. T^T

Hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya. Err!

"Anu yan?"

Natauhan ako sa tanong niya. Nakatingin sya sa librong hawak ko.

"Ah. Eto? Uhh. Ano. H-human Resource Management Book. Inaaral ko lang yung report ko." kinakabahan akong ngumiti. Mahalata niya kayang pilit?

"Ah. Sipag naman." ngumiti ulit siya tapos ay nilapag sa mesa ang dala niyang loptop.

"Ikaw? Anong gagawin mo?"

Hala. Fc lang Jai?

"Ah. Mag aaral din. Gusto ko lang i try ng actual yung tinuro samin sa Programming." binuksan niya ang loptop pero inusog niya ito papuntang left.

Ayee! Ayaw niyang matakpan ako sa view niya.

Ang ambisyosa ko ba? Mwahaha.

AY PETRA.

Bakit kanina pa ako nakatitig sa kanya? My goodness! Napansin niya ba yun?

Binalik ko ang tingin ko sa libro at binasa ito.

Pero, shems lang. Hindi ako makapagfocus! T^T

Kahit nagbabasa ako, hindi naman nagssink in sa utak ko. Kainis lang. =___=

"Mahirap ba ang course mo?" tanung niya pero sa loptop parin ang tingin. Tinitignan ko kasi sya sa peripheral vision ko.

"Ah. Hmm. Hindi naman."

"Talaga? Sana palang nag B.A nalang ako." pabiro niyang sabi tapos tumingin sakin.

HALA!

Nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

Napakunot noo siya. "Bakit ang seryoso ng mukha mo?"

*GULP*

Mas gwapo ka kasi sa malapitan. Ngayon ko lang narealize. Nakaka starstruck. Alam mu yon?!

"Miss."

"Jai." pagcorrect ko sa kanya. Kasi naman eh, hanggang ngayon di pa alam pangalan ko. T^T

Binalik niya ang tingin nya sa loptop niya tapos ngumiti sya. Hindi yun katulad ng ngiti niya dati. Parang may hidden secret dun sa ngiting yon! Yung parang may naisip siyang ka-ngiti ngiti. Makahulugan yung ngiti niyang yon.

Seriously Alec. Anung meron? Share mo naman! *pout*

"Hindi mo parin ako kilala no?" tanung ko. Pero sa libro ko naman ako nakatingin.

"Jai."

Thump..

Thump..

Thump..

Inangat ko ang tingin ko. Doon ko siya nakitang nakatitig sakin.

Argh. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o ano. Basta, kakaiba tong nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag.

Muli, ngumiti sya ng napaka sincere.

"Kilala kita. Ikaw si Jai. Yung friend ni Vince, yung nagpahiram sakin ng Accounting Notes."

"Ahh." yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Pero gusto ko talagang itanong. Bakit Miss ang tawag nya sakin kung kilala naman pala niya ako?

****************

Hay. Diary. Ganun pala pag kaharap mo ang crush mo no? Di ka na makapag focus, nauutal kapa.

Daig mo pa ang natatae. Kinakabahan ka, pinagpapawisan kahit naka aircon.

Higit sa lahat, hindi mo sya magawang titigan ng diretso.

Dahil namamagnet ang mga mata mo, sa mata niya.

At yung ngiti niya. Kakaiba talaga.

Yun yung ngiting, kokompleto ng araw mo.

Diary, inspired ako. Sa lalaking nagngangalang Alec Dungo.

Signing Off: JyraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon