Entry#29

233 8 1
                                    

Dear Diary,

                       Ang lungkot naman. Di ako nakapunta sa party.

Oo, Diary. Pag ika'y minamalas nga naman, pag gising ko kaninang umaga, ang sakit ng pakiramdam ko. Ang bigat bigat, daig ko pang may hang over eh di naman ako nainom. Tapos yung ulo ko, parang pinupukpok ng isang daang martilyo.

Okay, OA na yun. =___= Pero basta. Sobrang sakit Diary. Halos di na nga ako makatayo eh.

Kaya agad ko ng tinext si Vince para sabihing hindi ako makakapunta. Super nagsorry talaga ako sa kanya, at sinabi ko yung lagay ko. Thank God at hindi naman sya galit. Ang sabi niya, magpahinga nalang daw ako. Oh diba, sweet niya? Haha.

Ayun, yung imbis na buong araw kong pagpaparty, naging buong araw na tulog. Mwaha. Kain tulog lang ako. Ang batugan no? Pero kasi, 23 na. Kaya kailangan kong gumaling the soonest. Dalawang araw nalang pasko na. Baka hindi ako bigyan ng regalo ni Santa Claus. T^T

Teka, did I spell it correctly? HAHA. Sorry naman Diary. Medyo bopols ako sa spelling eh. Mwahaha.

Nung natapos na ang araw, bigla akong tinext ni Alec. Sabi niya:

Uy Jai. Okay ka na ba? Pagaling ka ha? Merry Christmas. Gift ko? :) Ingat.

EHEM! Pwedeng pasigaw?

Joke. Haha. Wag nalang, baka mabingi kapa Diary. Kawawa ka naman. Hehe.

Pero, grabee lang Diary. Napasmile talaga ako sa text nyang yun. Alam kong sobrang simple lang naman nun tsaka natural lang na magtext sya ng ganun kasi nga friends kame. Pero kasi, nung binabasa ko yun, parang naiimagine ko siya na kaharap ko at sinasabi nya yun sakin ng may malapad ng ngiti. Kyaah! Yung ngiti niyang nakakalusaw. <":

Okay, ang harot ko na. Mwahaha. PBB TEENS ang peg.

Anyway, medyo okay na ako ngayon. And I hope, maging ok din bukas.

PASKO na bukas. Yipee!

Osia, bye na Diary. Lapit na magtwelve eh. Noche buena na nun.

Magppray kaming sama sama tapos, kainan na!

Wag lang sana akong ma empacho sa katakawan ko. Mwahaha.

Signing Off: JyraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon