Entry#18

264 9 1
                                    

Dear Diary,

                  Whoo! 1 sem down, 7 to go! WHOOT! WHOOT!

I know right, second sem na! Ang bilis no? Yung huling sulat ko sayo, 3rd week of August pa.

Dalawang bwan rin ang lumipas. Lumipas ng kay bilis. Grabee.

Ang busy talaga sa college. Akala ko, busy na yung prelim period. Ngayon pala mas busy ang midterm at sobrang mas busy pa ang finals! Josme.

Akalain mong, COVER TO COVER ANG FINAL EXAM?!

Cover to cover as in, lessons from prelims to finals!

Hirap kaya, daming theories tapos analyzation and stuff. Tapos, sabay sabay pa. San ka pa, Diary?

Tinde, di ba?

Kaloka.

BUT..

Thank God at nalampasan ko lahat yon!

Oh yeah!

I'm still alive. ^___^

Mapunta naman tayo sa inspirasyon kong si Alec.

Guess what?

May nabalitaan ako.

Dean's Lister daw ang lolo niyo. At wag ka, hindi lang basta DL. Napag alaman kong, 92 point something ang average niya. Lahat ng subjects yun. Tindi lang di ba? Josme! Kay talinung bata!

Ako, ano?

WALA.

NGANGA.

Kainis nga eh! Hindi umabot ng 90 yung average ko. Hindi tuloy ako nasali sa Dean's Lister. T^T

Pero, okay lang yun Diary. Challenge rin yun sakin para mas magstrive pa ako. Di ba? NAKS! Haha.

Thank God! Tapos na rin ang HBO! Whoot whoot! Pero wag ka, baka maging prof pa namin yung si Ma'am sa next sems. Syempre, BA ang field nya e. More of BA subjects ang ihahandle.

Pero, oks lang din yun. Marami naman akong natutunan kay Mam. At kahit terror sya, gusto ko rin naman syang prof dahil marami siyang nai-impart na knowledge samin.

Sadyang, nakakakaba lang talaga pag time na niya.

Nevertheless, All in all, masaya naman ang first sem ng college life ko.

Sana magtuloy tuloy na no, Diary?

GOOD VIBES! ^___^

Signing Off: JyraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon