Entry#8

347 11 4
                                    

                                                                                               

Dear Diary,

                 Habang patagal ng patagal ang college life ko, padami rin ng padami mga experiences ko.

Tulad nalang sa HBO. Dahil nga sa terror ang aming prof. Aba'y ayun! Halos ayaw ng pasukan ng mga kaklase ko. Syempre hindi ako magmamalinis. Kasali rin ako. Eh kasi naman, terror talaga. Tipong ayaw na ayaw mong matawag ang pangalan mo sa recitation dahil alam mong 3 days/sessions kang tatayo sa subject na yun. Grabee!

Kanina nga, may event kasi sa school. Proclamation ng bagong President ng Western University.

Edi, lahat kami nakacross fingers. Wishing na sana hanggang 9pm ang program.

Kaso, ayun! One and a half hour lang yung duration ng nasabing program.

Kame?

NGANGA.

Baket?

Di kami nagbasa eh.

Ibig sabihin, siguradong STANDING OVASION na naman ang peg namin pag natawag sa recitation.

Natatawa nga ako e.

Papunta palang kasi kami ng building namin, mukha na ni Ma'am Terror ang bumungad samin.

(.__)

Malamya kaming pumanhik sa floor ng room namin.

Aba, si Ma'am, nakipagchika chika pa kay Manong Guard.

Mwahaha! Sige lang Ma'am. Go ka lang! 

Nakadungaw lang kami sa hallway ng 3rd floor, at tinitignan si Ma'am.

Cross fingers. X

After ten minutes..

"Hala! Wala na si Ma'am sa baba. Paakyat na siya!" sigaw ni Classmate.

At tila may naghagis ng bomba sa kinatatayuan namin. Na bigla kaming nagsitakbuhan papasok ng room.

"Oh my gosh! Andyan na siya!"

Singka putla nalang classmates oh? Hahaha. Nagagawa ko pang tumawa sa ganung sitwasyon no?

Wala eh. Kung seseryosohin mo yun, baka atakihin ka sa kaba.

Kaya, idaan nalang sa tawa. Wag ka lang sumobra, at baka mabaliw ka. Mwahaha!

Pero infairness Diary. Kahit ganun yung sitwasyon namin sa HBO, nag eenjoy parin ako.

Mabait naman kasi si Ma'am eh. Tsaka magaling siyang magturo. As in, alam na alam niya yung subject na yun. Kumbaga, forte nya talaga yun. Sadyang nakakakaba lang talaga ang paraan ng pagpaparecite nya. But at the same time, enjoy din naman. Kasi may thrill diba? Deh bah? Haha.

Tsaka feeling ko naman, pagkatapos ng sem na'to, mami'miss rin NAMIN si Ma'am. Oo, namin, kasali ako. Bakit, kontra ka? Suntok, gusto mo?!

Mwahaha. Bayolente ba ako. Sorry! ^___^v

De, seryoso nga.

I'm sure, kahit pag nag-graduate na kami, maaalala't maaalala rin namin si Ma'am Terror, pati yung ibang profs namin dahil naging parte sila ng pagkamit namin ng aming diploma.

Nice! Speech ang peg? Mwahaha.

Hinde. I'm just appreciating them naman.

Kaya ikaw, learn to appreciate din ha? Kahit gaano pa ka-terror yang teacher/professor mo, hindi mo parin maipagkakailang marami parin silang na impart na knowledge satin.

Oki?

At ngayon naman, nangaral. Mwahaha.

Pasensya na Diary ha?

Bipolar ako ngayon.

May sakit pa kasi ako ng konti e. Pero konti nalang. Hehe.

Pero, maiba lang..

Grabee Diary!

Tapus na pala ang Queen and I?

Yhh! Namimiss ko sina Regine at Kim Boong Do! Bring them back. Argh!

Excited pa man din akong umuwi kanina tapos wala na pala yung Queen and I?

Huhu. T^T

Pati TTBY, wala narin, tapos na. T^T

Buti nalang may upcoming ulit.

Absolute Boyfriend ni Koo Hye Sun.

Tsaka yung 'Love Rain' ni Jang Geun Suk! Waaaahhhh! ^___^

JGS!!

Mapapanood ko na ulit siya. Yehey! ^o^

Sayang lang, kasi hindi si Park Shin Hye yung partner niya. Pero oks narin. That's life.

Mwahaha. Puro korean drama pinagsasabi ko no? PASENSYA. ^___^

Osige na, Diary. Oras nadin eh. Magt-twelve Midnight narin. Bukas nalang ulit tayo magkwentuhan ha?

Goodnight Diary! 

Signing Off: JyraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon