Entry#9

331 10 2
                                    

                                                                                                           

Dear Diary,

                         Its been a tiring week. Daming ginawa for this week, grabee. Tapos nagkasakit pa ang lola mo. Hindi tuloy ako nakapasok ng isang araw. Buti wala naman pinag exam. Kaso, may namiss parin akong discussions. Huhu. T^T

Heto pa masaklap, nakalimutan kong manghiram ng notes kay classmate. Uwaaaaaah!

I'M DEAD (.__)

Joke! Haha. Buhay pa ako no. Marami pa akong pangarap sa buhay. Wahaha.

Anyway, highway.

Alam mo ba Diary? Naglibot kami kanina ng mga friends ko. Whoot! Whoot! Hindi ko man naramdaman ang pagod kahit konti. Enjoy kasi silang kasama eh. ^___^

Una, naglakad lakad kami. Bumili kasi ako ng lanyard. Nasira yung lace ng I.D ko e. Tapos sakto, bibili rin pala ng wall clock para sa room si Ms. President. Ayun! Sumama narin yung tatlo pa naming friends -slash- classmates.

Haha. Ang ingay nga namin don e. Buti hindi kami pinagalitan ng mga personel.

After makabili ng mga kailangan namin, tumingin naman kami ng mga formal wears. Next month na kasi ang aming Acquaintance Party.

Oh yeah! Kaming BSBA ang mag oorganize para sa year na'to. Saya diba?

Psh. Sayang nga, hindi na pursue yung pinropose namin ng mga kaklase ko.

KIDDIE PARTY.

Ang cute nun diba?

Naka jumper, tapos shirt, with high socks. Tapos dalawang mataas na pony for girls. Cuuuuuttteee!

Hinahanap ko na pa man din yung jumper ko dati, kaso ayun. Rejected.

Ang majority kasi ng BSBA, siguro 2ndyear onwards, is nag agree dun sa Black & White Theme.

Sayang no? Hindi ako makakapag jumper. Hahaha.

Pero, oks narin yun. Maganda rin naman yung naisip nilang Theme na Black and White Semi Formal Attire.

APRUB!

Bye, Kiddie Party! T^T

MOVING ON..

Balik tayo sa fun time namin ng mga friends ko.

Ang finale part ng aming paglilibot?

Uhmmm!

Yumyum!

FOOD TRIP! ^___^

Grabee. Na miss ko kumain ng kwek kwek. Lalo na yung bagong luto. Tapos masarap pa yung sauce, then lagyan mo pa ng suka. Charap! 

Ang saya talaga ng ganung food trip. Yung sa mga street stalls?

Tapos, mapapasigaw ka nalang. "Aray! Ang init!"

Oo, napaso ako. T^T

Gagad kasing kumain e. Yan tuloy, ang napala. Mwahaha.

Kasi naman namiss ko talaga kumain ng kwek kwek no! Mula ng nag college ako, di na ako masyadong nakakain ng street foods. Kj kasi mga nagtitinda sa cafeteria eh. Walang streetfoods. Hmp!

Nevertheless, nag enjoy parin ako kahit napaso ang dila at gilagid ko sa sobrang gagad ko. Haha. Tama bang ibully ang sarili?

Buang. =___=

Heto lang, ang hindi ko talaga magets Diary.

Ilang araw na'to e. Hindi ko na talaga matantya.

Bakit pag pauwi ako, yung as in malapit na sa kanto namin, BAKIT DOON PA BUBUHOS ANG NAPAKALAKAS NA ULAN?! Hindi ba nila alam na ilang araw na akong inuubo at sinisipon ng dahil dyan? Badtreep langs. =___=

Ang lakas kasi ng ulan e. Kahit nakapayong ka, mababasa ka parin ng bongga.

Kaya ang lagay eh.

"Uhoo uhoo! Ma, ang sakit ng lalamunan ko!" T^T

"Uhoo! Uhoo! Ma, may biogesic po ba tayo dyan?"

"Uhoo! Uhoo! Ma, nilagnat parin ako kahit uminom ako ng gamot."

"Uhoo! Uhoo! Ma. Ang sakit sa lungs pag inuubo ako!" T^T

"Uhoo! Uhoo! MA! Mamamatay na ata ako!"

*Toink!*

Binatukan ako ni Mama. T^T

"Oa kana, Jyra May Agpangan!" wika ni Mama.

"Hehe." ^___^v

Note: Mabait si Mama. Wag lang sagarin, wag oa. =___=

Okay. Feeling ko, wala ng sense ang sinasabi ko.

So, Goodbye! ^___^

See you next entry! ^o^

Signing Off: JyraMay

Dear Diary (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon